My toes curled in tension. Pakiramdam ko ay hindi ko maramdaman ang katawan ko.
The life--breathing stopped.
Run. Step back. Hide under the desk.
Lahat na yata ng paraan ay inisip ko pero wala. He just stood there, looking at me. The almond eyes i didn't know will look at me one day. He doesn't look shocked. He just-- he's just looking at me.
Hawak pa ng kaliwa nyang kamay ang pinto at nakasabit sa kanan nyang balikat ang bag nya at hawak nya sa mga kamay nya ang tablet nya.
Binitawan na nito ang pinto at tuluyang pumasok sa loob. He broke the eye contact and walked inside the classroom.
Is there anything that happened that is much worst? Yes.
He sat beside me.
Napatuwid ako at ibinalik ang tingin ko sa unahan. Doon ko lang din napansin na tumahimik din nag dalawang babae sa pag-uusap kaya lalong tumahamik ang paligid. Halos marinig ko pati ang paghinga ng iba.
Sa sobrang pagpapanic ko ay ramdam ko ang pagba blur ng paningin ko at ang pangangatal ng labi ko. Kinagat ko iyon pero halos lalo lang akong napaiyak dahil sa takot.
Yumuko ako sa desk at umumob. Kahit ramdam ko ang pamamanhid ng braso ko dahil nadadaganan ko iyon ay hindi ko iyon inalintana at nanatiling nakayuko.
I don't know why i feel afraid dahil sa pagkakahuli nya sa akin. Siguro dahil alam kong alam nyang hindi ako si Alia. But i should be angry at him. Because i'm pretty sure he has something to do with Yal's case. Tia commited suicide while murmuring his name.
Napatunghay lang ako ng maramdaman kong may bahagyang sumisipa sa lamesa ko. Nang tingnan ko kung kaninong paa iyon ay nabungaran ko ang black shoes ng isang lalaki kaya agad akong napatingin kay Jackson na nakatingin sa unahan na para bang wala syang ginawa.
Nang tumingin ako sa unahan ay nakita ko agad ang tinitingnan nya kaya napatuwid ako.
"Always" he muttered.
Napatingin ako sa kanya pero nanatili pa rin itong nakatingin sa unahan.
"Open your screens and copy the code written in the folder 13a and paste it in the browser" the teacher said.
Nasa 30's siguro ang lalaki at nakasuot ito ng kulay dark green na longsleeves at khaki na necktie. May hawak itong tablet.
Tiningnan ko ang isa kong katabing lalaki. He slided his fingers down the screen at bumukas iyon kaya ganoon din ang ginawa ko. Nang bumukas ang screen ay bumungad sa akin ang maraming mga folder at agad kong hinanap ang 13a at binuksan iyon. May kulay blue na link ang nasa gitna ng screen. Pinindot ko iyon at automatic na may lumabas na tanong sa screen kung ikacopy ko ba ito. Pinindot ko ang Yes.
Nagsara ang folder at hinanap ko ang browser. Nang hindi ko iyon mahanap ay nagsimula na akong magpanic. Tiningnan ko ang mga screen ng katabi kong lalaki at nakabukas na nag kanya kaya hindi ko alam kung paano nya ito nabuksan.
Ayokong tumingin kay Jackson sa hindi malamang dahilan. Pero wala na akong choice, kailangan kong magbaka sakali. Lumingon ako sa kaliwa ko at bahagyang tiningnan ang screen ni Jackson. Pero, sa kasamaang palad, bukas na rin iyon sa mismong browser.
Ibinalik ko ang mata ko sa screen at sinubukan ulit hanapin ang browser.
"Fourth from top, the red one, 6th from the left" he said
Napatingin ako sa kanya.
"S-salamat"
I don't know why i said that. O how did i manage to get some bravery and courage to speak to him. But i just did. Like a normal thing to do.
Nang makita ko ang sinasabi nya ay pinindot ko iyon at automatic na nag paste doon ang URL na kinopy ko kanina. Agad na lumitaw sa screen ang lesson. Halos thirty minutes lang ang itinagal ng mismong pagtuturo at iniwanan kami ng professor namin ng dalawang activity na ipapasa bukas. Binuksan ko ang tablet ko at tiningnan doon ang activity na ipinasa ng Professor namin.
Sakto namang naglalabasan na ang iba sa mga kaklase ko ay may lumapit na lalaki kay Jackson at mukhang may itatanong dito. Agad kong ipinasok ang tablet sa loob ng bag at lumabas ng clasroom.
I was halfway in the corridor to my next class when someone swept me off the way by hitting my shoulder. Napatingin ako at sinundan ng tingin ang lalaking nakasagi ng balikat ko. His jet black hair and lean body told me who he is.
"Jackson" i unconsciously said.
Napatigil ito sa paglalakad.
Bumaling ito paharap sa akin kaya agad akong napaurong. I thought he's gonna walk to me but e just stood there like he owns the corridor. Lalo syang nagmukhang banyaga dahil sa kulay itim nyang polo na lalong nagpaputi sa kanya. Idagdag pa na itim ang buhok nito na mukhang nakalimutan nyang suklayin. Hindi ito ngumingiti pero lahat ng napapadaan dito ay halos magkanda takid takid dahil sa pagtitig dito.
Biglang kumabog ang dibdib ko sa di malamang dahilan. Dahil siguro sa kaba, umurong pa ako ng isa pang hakbang bago tumakbo palayo sa direksyon kung nasaan si Jackson.
Hindi ako lumingon.
There is so much more to fear that my brain is telling me. It's telling me to get away until i can.
On the same floor, hinanap ko ang susunod na room para sa susunod na subject. Halos humiga ako sa sahig noon ng makita kong wala pang tao sa loob. Nagtaka agad ako kaya binunot ko ang tablet sa bag at binuksan ang schedule.
Crap.
"May thirty minutes break pala. Kaya pala wala pang tao." usal ko.
Tiningnan ko ang oras sa tablet at fifteen minutes na lang ang natitira. Kung bababa pa ako at kakain pa, sigurado akong mahuhuli ako kaya napagdesisyunan kong hindi na lumabas ng classroom. Pinagmasdan ko ang walang laman na classroom. Sa totoo lang, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. I feel empty.
Parang mas buhay pa ako noong hindi ko kailangang huminga.
It's like im being emotional all of sudden. And the life i have today, it's not even mine.
At natatakot ako, hindi dahil baka mahuli ako. Natatakot ako kasi baka mahalin ko ang buhay. Baka dumating ang araw na ayaw ko nang umalis dito at hindi ko mahanap si Yal at sumuko na lang ako. Natatakot ako na angkinin ang buhay na ninakaw ko lang.