Twenty Nine

1145 Words
There's three more subjects before the lunch time arrived. Naglalakad ako ngayon papunta sa elevator para bumaba sa cafeteria. Wala akong naging kasabay sa elevator dahil akala ko ay wala nang iba pang bababa para magtanghalian. Pero nagsimula akong magtaka nang hindi din humihinto ang elevator sa kada floor na karaniwang ginagawa ng elevator kahit walang pumipindot ng open door. Nang makarating ako sa ground floor ay tiningnan ko ang elevator para siguraduhing hindi iyon ang eleator na para sa mga official use at lalo akong nagtaka nang makitang hindi naman iyon pang official use. Kibit balikat akong tumalikod sa elevator at magsisimula na sanang maglakad nang makita ko si Jackson. Nakatayo ito sa malayo, he is leaning on the wall just beside the other elevator habang hawak ang tablet nya. Walang emosyon itong nakatingin sa akin. He tilted his body to his left side and pulled something, a card or maybe an ID, through a slot and then walked away. "What just happened?" i muttered under my breath. I looked around. There weren't that many students walking back and forth, pero may mga iilan na mukhang nagmamadali. I decided to look up to see what time is it at halos mapatakbo ako papunta sa cafeteria nang makitang 20 minutes na lang ang natitira. Lumagpas pa ako sa ilang mga pinto bago ko narating ang isang double glass sensor motioned door. Agad akong dumeretso nang kusa itong bumukas. I wasn't expecting less, but i wasn't expecting grand either. There were three counters on the front. The first one is blue, where the dishes were more in meat and seafoods. The second one was green, well of course that would be for vegetables, they don't offer rice and put potatoes instead. The last one, doon ako nagpunta. They offer pastas at sa tanang buhay ko, hindi pa yata ako nakakatikim ng pasta. The menu is pasted on the counter kaya hindi ko na kinailangang tumingala.  "What's for you?" a man in his mid 30's approached me. He is behind the counter so i know he's the one in charge. "Uhmm, Spaghetti Bolo---" i stopped. I shouldve just chosen the easier one to read. But this one looks delicious! "Would you like to have Spaghetti Bolognese?" nakangiti nitong tanong Nahihiya akong tumango. "Is the drink included?" tanong ko. "Oh, no. But you can get ny drink you want on the refrigerator on the right side" he said and then pointed on his right. Napanganga ako. Limang malalaking fridge ang magkakatabi doon na punong puno nang mga inumin. "You can pick anything there and you an just wait for your order in your table" he said and then turn to leave "Can i ask a favor?" pahabol ko. "Of course, we would serve your dish in ten minutes because we know you're running late" nakangiti nitong sabi habang tumatawa. "That would be 11 Merits. What's your account?" "Oh! Uhmm its Ali Berg" sagot ko Gonna get used to having a surname. Napakamot ako sa ulo ko at nakangiting umupo sa isa sa mga lamesa na malapit lang sa counter para hind na maglalakad ng malayo ang magseserve sa akin ng pagkain. Dalawa na lang kaming tao at kumakain na ang natitirang babae sa loob ng cafeteria. True to their words, siguro ay mga nasa lima o anim na minuto lang at naiserve na nila ang pagkain. May kasama pala itong dalawang garlic bread. Mabilis ko iyong kinain kahit na sobrang sarap no'n at gusto ko iyong lasapin. Sumasabog sa loob ng bibig ko ang lahat ng klaseng lasa na pwede kong matikman pero babalik pa naman ako bukas at sisisguraduhin kong ito ulit ang oorderin ko at sa mga oras na yun, kakainin ko na ito nang dahan dahan. Nang matapos ako ay dinala ko ang pinggan sa counter at tinanong kung saan iyon ilalagay. "You're suppose to leave them on the table, but sino bang tatanggi dyan? Hindi na ako maglalakad! Hahaha" tumatawa nitong sabi at kinuha sa kamay ko ang pinggan. Bago ako lumabas ng cafeteria ay dumaan ako sa higanteng fridge at kumuha ng dalawang bote ng distilled na tubig at inilagay iyon sa bag ko. Dali dali akong lumabas ng cafeteria at tumakbo papunta sa Elevator.  Nang makarating ako sa harap no'n ay pinindot ko agad ang open at agad naman itong bumukas. Sumakay ako at pinindot ang floor 3. I tapped my feet and looked at the digital clock on the elevator. Twelve minutes. I just don't want to be late dahil ayokong pinagtitinginan ako ng tao. When the elevator Dings for the second time, my feet automatically stepped out and run without looking. At sa kamalas malasan naman, nabangga ako. O Binangga ko pala yung tao na akala ko ay pader dahil sa tigas nito. Akala ko babagsak ako sa sahig, pero naramdaman ko ang mainit na kamay na humawak sa braso ko at hinila ako palapit sa kanya. Jackson pulled me into his direction but i fell right into his arms. Napaurong sya nang bahagya dahil sa impact pero atleast hindi sya natumba, na mukhang imposibleng mangyari.  I can't believe those beautiful eyes exist, his eyes. And they're looking at me right now. For a second, i thought i saw an emotion, Longing. He longs for me.  For the Shell. For Alia. Nabalik lang ako sa ulirat nang maramdamang may malamig na bagay sa pulsuhan ko. Nang tingnan ko iyon ay kulay blue iyong square pad. Akmang tatanggalin ko iyon nang lumubog iyon sa balat ko kaya agad nanlaki ang mata ko. "Ah!" sigaw ko. Imbes na pakiramdaman ang katawan ko ay nagtatalon ako at pinilit pispisin ang pulsuhan ko. Malamig pa rin ang pakiramdam noon na para bang dinikitan iyon ng yelo. Damn! What was that? Am i going to be an alien now?! Sa pagpapag ko ng kamay ko napaurong ako at napasigaw nang wala na akong matapakan. I closed my eyes. Pasensya na po kung pinangunahan ko kayo at sinabi kong buhay pa ako bukas para kumain ng bolo--spaghetti. Hindi ko pa po kayang bigkasin kaya please po wag po sana akong mabalian at mamatay. Usal ko sa isip ko. Doon ko naramdaman ang kamay ni Jackson, i would have thanked him pero napasigaw naman ako sa sakit ng maramdamang tinapakan nya ang paa ko. Nang hilahin nya ako patayo ay tiningnan ko sya ng masama. "Bakit mo ako tinapakan?" galit kong tanong. He looked at me as if i was the most dumb person. "Kung hindi ko tinapakan ang paa mo, you would've fallen off bago pa kita nahawakan" bored nitong sabi. Nanlaki ang mata ko nang marealize kong late na ako. Hindi ko pinansin ang sinabi nya at akmang tatakbo nang magsalita sya. "Don't run. You're already late" sabi nya Napataas ang kilay ko. "The stamp i put in your wrist, it's a late barcode. Kapag nagbukas ka ng pinto, hindi ka makakapasok ng clasroom" he coldly said. "What?!" asik ko "It looks like you have forgotten who am. You're not suppose to, dapat naaalala mo ako kahit na hindi ikaw yan. I'm Jackson McQuoid. And am the Senior Council President of this School, and you are late" What the heck?! 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD