[DOCTOR SAVANNAH DESMOND'S P.O.V.] "What do you mean?" nagtataka na tanong pa sa akin ni Presley. Hindi ko akalain na ganito ang gagawin niya kay Major Sawyer. Nagulat din ako na nadatnan kong basang-basa na sa pawis si Major Sawyer at tumatakbo habang tirik na tirik ang araw. Kalalabas niya lang sa infirmary tapos ganito na agad ang sinapit niya. Hindi pa maayos ang kalagayan ni Major Sawyer. Pumayag lang naman ako na palabasin si Major Sawyer sa infirmary ay dahil sinabi niya sa akin na mag-iingat siya at hindi naman masiyadong kikilos ng sobra. Pero ganito pa ang madadatnan ko ngayon? Ano ba sa tingin ni Emerson ang ginagawa niya? Wala akong alam kung bakit tumatakbo ngayon si Major Sawyer habang tirik na tirik ang araw tapos pinapanood lang siya ni Emerson. Sinamaan ko naman ng ting

