[MAJOR CADE SAWYER'S P.O.V.] “Ma? Pa? Nasaan kayo?” tawag ko sa mga magulang ko. Hindi ko alam kung saan ako dumaan kanina. Masiyadong malawak at malaki ang mansiyon na ito. Kaya naman ay naliligaw na ako ngayon. Nagpunta kasi ako sa banyo kaya naman hindi ko na mahanap ngayon kung nasaan ang hapagkainan. Ito ang unang beses na nakapasok ako sa ganitong kalaking bahay. Tahimik at para bang walang tao. Ganito pala ang pakiramdam kapag nasa isang malaking bahay. Masiyadong malungkot ang lugar na ito. Nakatikim na rin ako ng mamahaling pagkain nila. Pero para sa akin ay mas gusto ko pa rin ang mga simpleng pagkain lamang na nakasanayan ko. Hindi ko akalain na may kakilala pala sina Mama at Papa na may-ari ng ganito kalaning mansiyon. Wala akong ideya kung bakit kami nagpunta rito at kung

