[DOCTOR SAVANNAH DESMOND'S P.O.V.] Hindi ko alam kung dapat na ba akong umalis dito ngayon o manatili. Sobrang ramdam ko ang init ng kanilang usapan. Pakiramdam ko ay hindi naman dapat akong narito ngayon. Napabuntong-hininga naman si Cameron kaya napatingin ako sa kaniya. Bahagya pa akong nagulat nang makita kong nakatingin din siya sa akin. Kinunutan ko naman siya ng noo dahil sa pagtataka kung bakit sa akin na siya nakatingin. Mabilis niyang hinawakan ang kamay ko at hinila ako palabas ng infirmary, leaving the two inside. Ayos lang naman sa akin. Marahil ay naramdaman na rin ni Cameron ang hiya na nararamdaman ko kanina habang nasa loob. Hindi ko naman dapat marinig ang mga pinag-uusapan nilang personal doon. Hindi ko lang talaga alam kung dapat na ba akong lumabas o kung paano ako

