[FIRST LIEUTENANT PRESLEY EMERSON’S P.O.V.]
Nakakairita na nakita ko muli ang babae na ‘to makalipas ang ilang taon. Well, inis lang naman ako sa kaniya dahil kami ang rivals talaga sa university na pinanggalingan namin. In terms of scholarships, grades, competitions and sa lalaki. Hindi hamak na mas maganda naman talaga ako kaysa sa kaniya. Hindi ko lang natatanggap na siya ang nagugustuhan ng ibang lalaki na gusto ko o ‘di kaya ng mga nagiging ex-boyfriends ko. Mas lumalaki tuloy ang ulo ni Savannah kaya hilig niya ako na asarin. Kaya hanggang ngayon ay nag-iinit pa rin talaga ang ulo ko sa kaniya.
Kanina pa tumatawag sa akin si dad o ang kilala nila bilang ang chief commander. Pinapasabay niya ako sa kaniya papunta sa military base kaya sinabihan ko na lang siya na may dadaanan lang ako kaya mauna na siya. Alam din naman niya na dala ko ang sarili kong sasakyan ngayon. Pero para bang hindi niya pa ako gustong hayaan dito. Wala naman akong ibang gagawin dito kung ‘di ang usisain ang babaeng matagal ko nang hindi nakita, pero bigla ko na lang makikita rito. What a small world indeed, huh. Sa lahat naman ng tao na makikita ko na naging schoolmate ko noon ay si Desmond ang hindi ko gusto na makita pa. Pero nagkrus pa talaga ang landas naming dalawa ngayon.
Wala pa rin akong balak na umalis dito. Silang tatlo na ngayon ang nag-uusap, samantalang ako ay tahimik lamang at nakikinig sa kanila. Pinagmamasdan ko lamang si Cade ngayon. Hanggang kailan ba niya ako balak na iwasan? Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin talaga alam kung ano ang dahilan at naghiwalay kaming dalawa. Limang buwan na ang nakalipas at wala man lang siyang binibigay sa akin na rason kung bakit siya nakipaghiwalay sa akin. Matapos niya akong iwan ay ilang beses ko siyang hinahabol at kinukulit, hanggang ngayon. Ngunit patuloy lamang ang pag-iwas niya sa akin. Hindi ko na alam kung ano pa ba ang dapat ko na gawin para lang pansinin na muli ako ni Cade. Ang bitter naman niya sa akin. Limang buwan na kaming hiwalay at siya naman ang tumapos ng relasyon namin. Pero siya pa ang umiiwas sa akin. Imbis na ako dapat ang naiwas sa kaniya dahil ako ang sinaktan niya bigla nang wala namang sapat na dahilan kung bakit. Siguro ganito ang ugali ng mga lalaki? Para bang wala lang sa kaniya ang nangyari na break-up namin.
Minsan tuloy ay napapaisip ako kung ako lang ba ang nagmahal ng sobra sa aming dalawa. Para bang hindi man lang siya naapektuhan na hiwalay na kami. Sa limang buwan din na nakalipas ay palagi kong inaalam kung ano ang mga ginagawa niya. Nagtatanong ako sa kaniyang mga kasamahan. Base sa mga nababalitaan ko tungkol sa kaniya ay mukhang ayos na ayos siya. Samantalang ako ay hindi makakain ng ayos noong unang dalawang buwan na hindi ko na siya nakikita, nakakasama at nakakausap. Matagal din kasi kaming nasa iisang relasyon. Kaya hindi naging madali sa akin ang lahat. Pero kada makikita ko siya ay mas lalo lang akong nasasaktan. Dahil mas pinapamukha niya sa akin na ayos lang sa kaniya at para bang hindi ako naging mahalaga sa kaniya.
Tapos ngayon ay tila wala ako rito sa loob ng kwarto at hindi nila ako kasama. Ni wala man lang pakialam si Cade sa presensya ko. Tinuturing niya ako na para bang hindi niya ako kilala at hindi man lang magawang maka-usap. Sa sobrang inis at bugnot ko ay tumayo na ako kaya nilingon nila akong tatlo. Kulang na lang ay pasabugan ko ng bala ang bungo ni Cade para lamang mailabas ko ang lahat ng hinanakit ko ng dahil sa kaniya. Sa ganda kong ito ay nagawa pa rin niya akong saktan at iwan. Alam ko rin naman sa sarili ko na hindi ako nagkulang sa kaniya. Pinasaya ko siya at ginawa ko ang lahat para maging sapat sa kaniya. Alam ko naman na hindi siya nagloko sa akin dahil kilala ko si Cade. Hindi niya gawain ang gano’ng bagay.
“Mag-usap tayo sa labas,” seryosong sambit ko saka nakatingin kay Cade. Hindi na rin ako makatiis pa kaya kinausap ko na siya. Matagal ko na ring pinigilan ang sarili ko na kulitin siya. Pakiramdam ko ay ito na rin naman ang tamang oras pang mag-usap na kaming dalawa ng tungkol sa nangyari sa amin.
Hindi niya ako pinansin muli. Nanatili lamang ang paningin niya sa sahig. Mas lalo naman ako na lumapit = sa kaniya. “Kailangan nating mag-usap, Major Sawyer. This is an order as a First Lieutenant,” sambit ko muli. Napansin ko naman na bahagyang sinipa ni Cameron si Cade kaya nilingon siya nito. Mukhang sinenyasan na siyang kausapin ako. Hindi ko na rin naman gusto pa na mas patagalin pa na hindi kami nag-uusap ng ayos after break-up. Para sa akin ay ayos na kahit closure na lang ang mayroon kami. Kahit nga maging magkaibigan lang kaming dalawa ay ayos na sa akin. Para naman hindi sayang ang lahat ng mga pinagsamahan namin noon. Para na rin makausad ako ay kailangan kong malaman kung ano ang tunay niyang dahilan. Nang sa gayon ay natatahimik na ako. Lalo na at nasa iisang trabaho lang naman kami. Madalas na rin kaming magkikita sa mga military bases namin. Kaya mas mabuti pang ayusin na agad namin ngayon pa lang.
“What?” rinig kong tanong ni Cade. Sinesenyasan naman siya ni Cameron na kausapin na ako at kung kumilos sila ay para bang hindi ko sila nakikita ngayon. Mas lalo lamang akong nakaramdam ng inis dahil sa mga inaakto nila. Mabilis kong hinawakan si Cade sa kaniyang kamay at pwersahang hinila patayo. Minamaliit yata ako ng isang ‘to. Para namang hindi niya ako kilala at may kalakasan din ako kahit na isa akong babae at lalaki siya. Kung hindi ko siya madala sa maayos na usapan, kailangan ko nang gamitin ang lakas ko upang mapwersa siya na kausapin ako. Hindi ko alam kung bakit patuloy pa rin niya akong iniiwasan. Ayaw man lang niya na magpakalalaki ngayon. Ako pa ang nagpupumilit na mag-usap kaming dalawa.
Hinila ko na si Cade paalis sa loob ng private room na ‘yon. Mabuti naman at hindi na siya pumalag pa at sumunod na lang sa akin. Baka naisip na rin naman niya na hindi na siya makakawala pa. Kailangan na naming mag-usap ngayong araw. Hindi ko alam kung magagawa ko pa ba siyang makausap sa mga susunod pa na araw. Kaya ayoko nang palagpasin pa ang araw na ito. Dinala ko siya sa exit stairs para makapag-usap kami ng ayos doon. Walang tao kaya naman ay binitawan ko na siya nang makarating kami roon saka ko siya hinarap. Dito lang din ang malapit na lugar na makakapag-usap kami. Hindi ko na siya binalak pa na ayain sa isang maayos na restaurant para maging pormal ang aming pag-uusap. Alam ko rin naman na hindi siya papayag sa gano’n. Daig pa niya ang babae sa sobrang tigas ng damdamin niya. Hindi ko na makita ang dating Cade na nakilala ko noon sa kung sino siya ngayon. Pakiramdam ko ay sobrang laki na ng pinagbago niya. Kung noon ay hindi niya naitatago sa akin ang tunay niyang mga nararamdaman, ngayon naman ay ang misteryoso na niya kung tingnan. Para bang ang dami na niyang mga tinatago sa sarili niya lamang.
“Paninindigan mo na ba talaga ang pag-iwas mo sa akin?” tanong ko sa kaniya. ‘Yon agad ang una kong gustong itanong sa kaniya. Dahil ‘yon lang naman ang ginagawa niya sa akin sa mga nakalipas na buwan na hiwalay na kami. Kahit noon ko pa siya binalak na kausapin ay patuloy lang ang pag-iwas niya sa akin. Kung minsan nga ay naiisip ko na baka sinasadya na niya na maging abla talaga. Nang sa gayon ay hindi ko siya magagawang kausapin o istorbohin.
Inaasahan ko nang hindi niya ako sasagutin. Kaya muli ko nang sinundan ang tanong ko sa kaniya. “Bakit naging ganiyan ka sa akin? Hanggang ngayon ay wala ka man lang binibigay sa akin na dahilan kung bakit mo tinapos ang relasyon natin. And now, you’re acting like this? Why? Hindi ba at deserve ko rin naman na malaman ang naging dahilan kung bakit tayo natapos at bakit ganiyan ka makitungo sa akin? I think we need to talk about this matter. Kung umakto ka ay para bang ikaw lang ang nasa relasyon na mayroon tayo noon,” dagdag ko pa.
Bigla naman ay tinignan na niya ako sa mga mata ko. Bahagya pa akong nailang dahil hindi na ako sanay. Ilang buwan na rin niya akong hindi nagagawang tignan sa mga mata ko. Kumabog ang dibdib ko sa hindi malamang dahilan nang magtama ang mga mata namin.
“Kapag ba sinabi ko sa ‘yo ang dahilan ay may magbabago?” sagot niya. Nagtaka naman ako kung ano ang ibig niyang sabihin doon. Kumunot ang noo ko, “What do you mean? Then tell me para malaman kung may magbabago ba o wala. Did I do something wrong in our relationship? May pagkukulang ba ako kaya nakipaghiwalay ka pa sa akin—“
“No, that’s not the reason. Walang magbabago kahit malaman mo pa kung ano ang rason kung bakit tayo natapos. Mas mabuti pa na isipin mo na lang na hindi mo ako kilala. Huwag mo nang pahirapan pa ang sarili mo sa kakapilit mo sa akin. Kahit ano pa ang gawin mo ay hindi na tayo magbabalikan pa,” deretsong sagot niya sa akin.
Naikuyom ko ang kamao ko. Bakit ang dali lang sa kaniya na sabihin ‘yon sa harapan ko ngayon? Matapos ang isang taon na pagsasama naming dalawa ay wala na kaming pag-asa? Naghiwalay kami nang hindi ko alam ang dahilan at tanging siya lang ang nakaka-alam. Naghiwalay kami nang siya lang ang nag-desisyon at hindi man lang niya ako tinanong. Wala ba akong karapatan na malaman ang dahilan o ‘di kaya ay mag-desisyon para sa relasyon naming dalawa?
“Palibhasa ay madali sa ‘yo ang lahat kaya nasasabi mo sa akin ‘yan ngayon. Wala ka bang pakialam sa nararamdaman ko? Paano mo nagagawa sa akin ‘to matapos ang isang taon na relasyon natin? How do you expect me to move on that easily?”
Halos maiyak na ako dahil hindi ko na talaga alam kung ano pa ba ang dapat kong gawin para malaman ang dahilan. Mukhang wala rin namang alam si Cameron kahit na tanungin ko pa siya. Sa ugali ni Cade ay alam ko na agad na hindi uso sa kaniya ang magsabi sa ibang tao. Mas gusto niya na kimkimin na lang sa sarili niya ang lahat.
“Nagkaroon ako ng ibang babae habang nasa iisang relasyon tayo. Kaya ako na ang nag-desisyon na tapusin ang relasyon natin dahil nakaramdam ako ng konsensya—“
Hindi na niya naituloy pa ang sinasabi niya nang sampalin ko siya. Nangangalaiti na ako ngayon sa galit dahil sa mga narinig ko mula sa kaniya. Wala sa postura niya ang mambabae o magloko. Kilala ko siya sa loob ng isang taon na nakilala ko siya. Ngunit mayroon sa loob ko na naiisip kong baka totoo nga na nagawa niyang magloko sa akin habang nasa iisang relasyon pa kami. Kaya siya nakonsensya dahil hindi niya masikmura na nagloko siya habang kasintahan niya ako.
Muli niyang ibinalik ang paningin niya sa akin nang matapos tumabingi ang mukha niya dahil sa sampal ko. “Nagawa mo pa rin akong lokohin matapos ang lahat ng mga pinagsamahan nating dalawa? O baka rason mo lang ‘yan para hindi mo sabihin sa akin kung ano ba talaga ang tunay na dahilan?” galit na tanong ko sa kaniya. Naiiyak na ako ngayon nang dahil sa galit at sakit na nararamdaman ko. Pakiramdam ko ay kailangan kong mailabas sa kaniya ang lahat ng mga nararamdaman ko ngayon. Ang tagal ko rin na kinimkim ito dahil hindi niya ako kinakausap matapos naming maghiwalay.
“Mukhang napakasaya mo na ngayon na hindi na tayo. Hindi ko alam kung saan ba ako nagkulang sa ‘yo. Hindi ko rin alam kung ano ba ang nagawa kong mali kaya mo ako nagawang lokohin—“ Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil humikbi na ako. Pinipilit ko naman na ipakita sa kaniya na malakas ako, ngunit hindi ko na kinaya ngayon. Kay tagal ko rin na tinago ang tunay kong nararamdaman. Pinakita ko sa kaniya na hindi ako nasasaktan pero gusto ko ay alam ko pa rin ang mga ginagawa niya sa araw-araw. Madalas ako na magtanong sa mga kasamahan niya kung nasaan siya, kung kumain na ba siya at kung nakakapag-pahinga ba siya ng ayos.
“Sapat ka para sa akin. Sadyang nagawa ko lang ‘yon at hindi ko na kaya pang makipagrelasyon sa ‘yo matapos kong magawa ‘yon. Hindi kaya ng konsensya ko. Huwag mong isipin na nagkulang ka sa akin dahil sobra-sobra ka pa sa inaakala mo.”
“Kung sapat ako, bakit mo ‘to nagawa sa akin? Paano mo ako nagawang lokohin? Kung hindi naman pala ako nagkulang sa ‘yo, bakit ka pa naghanap ng iba? ‘Yon ba talaga ang rason mo kung bakit mo ako iniwan? O baka naman dahil kay Dad kung bakit ka. nakipaghiwalay sa akin?”
Muli siyang umiwas ng tingin sa akin kaya natigil ako sa pag-iyak ko. “May kinalaman basi Dad kung bakit ka nakipaghiwalay sa akin?” tanong kong muli. “Wala siyang kinalaman dito,” sagot niya. Ngunit ni hindi man lang siya makatingin sa akin ngayon.
“Sigurado ka bang wala siyang kinalaman? Bakit hindi ka makatingin sa akin ng deretso ngayon?” nagtataka na tanong ko. Muli niya akong nilingon saka deretsong tinignan sa mga mata ko.
“Sinabi ko na ang rason kung bakit tayo naghiwalay dalawa. Ikaw na ang bahala kung maniniwala ka o hindi. Basta ako ay sinabi ko na sa ‘yo ang tunay na dahilan. Tapos na tayo at wala na tayong dapat pang pag-usapan.”
Lumunok ako at nilabanan ang mga tingin niya sa mga mata ko. “Salute to me for the last time. Because the next time that I see you, I won’t going to look at you ever again,” matigas na sambit ko sa kaniya.
Mukhang nagulat naman siya nang sabihin ko ‘yon. Bigla ay umatras siya palayo sa akin saka mabilis na itinaas ang kaniyang kanang kamay upang sumaludo sa akin. “Salute, First Lieutenant.”
Bumagsak muli ang mga luha ko nang talikuran ko siya matapos niyang sabihin iyon. Hindi ko matanggap na mukhang ito na talaga ang katapusan ng relasyon naming dalawa. Hanggang dito na lang pala talaga kami. Simula ngayon ay hindi ko na ipipilit pa ang sarili ko para sa kaniya. Simula ngayon ay wala na rin akong pakialam pa sa buhay niya.