8

2200 Words
[CAPTAIN HAMZA CAMERON’S P.O.V.] Nawalan nang malay si Savannah matapos niyang sabihin ‘yon. Ang ilang mga doktor naman ay nakita kong inaasikaso na ang mga pasiyente. Tinawag ko ang isa para asikasuhin si Savannah ngunit hindi niya ako narinig. “Ako na ang bahala sa kaniya. Pumunta ka na ngayon sa office ng may-ari ng hospital na ito. Naroon na ang chief commander. Sa third floor ka magpunta,” sambit sa akin ni Presley. Nakita ko na naka-uniporme pa siya ng pang-sundalo. “Sige, ikaw na ang bahala sa kaniya,” paalam ko. Agad na akong pumunta sa elevator. Napansin ko na marami-raming gastos ang mangyayari ngayon dahil sa lahat ng naging damage sa ospital na ‘to. Mamahalin pa man din ang mga gamit dito. Lalo na at may ilang private room pa ang nasira ang pinto pati na rin ang mga pader dahil sa bala ng baril. Sana lang ay walang napahamak na mga pasiyente rito. Dahil mas malala ang dadanasin sa akin ng mga rebelde na ‘yon sa oras na makarating ako sa military base. Nakita ko agad ang opisina ng director ng ospital, siya rin ang may-ari nito. Kumatok muna ako bago tuluyang pumasok. Nakita ko na naka-upo na ngayon ang chief commander at ang may-ari ng ospital. Inayos ko ang tindig at tayo ko saka sumaludo sa kaniya, “Sir, salute!” bati ko. Sinaluduhan niya ako pabalik habang naka-upo lamang siya. Saka niya ako sinenyasan na umpo na sa harapan nilang dalawa. Bahagya rin akong tumungo upang magbigay ng galang sa may-ari ng ospital. Saka ko lang din naalala na nakasuot lamang ako ng hospital clothes ngayon. Nakakahiya dahil hindi man lang peesentable ang itsura ko ngayon. Isa pa man din akong captain sa militar. Kung ano-ano ba naman kasi ang pinapasok mo, Hamza. Kung kailan bakasyon mo ay ito pa ang sinapit mo. Nasaan na kaya si gago na Cade? “This is Captain Hamza Cameron of Team Bullet. He was the one who got admitted in this hospital of yours earlier,” pakilala sa akin ng Chief Commander. “It’s a pleasure to meet you, Director,” bati ko sa kaniya. “And this is Director Samuel, the owner of Newlife Hospital,” pakilala rin niya sa director. Tinanguan niya ako. Ni hindi man lang niya ako nagawang ngitian. Siguro ay dahil sa nangyaring kaguluhan ngayon sa kaniyang pagmamay-ari. “Let me get straight to the point. Nangyari ang kaguluhan na ito sa ospital ko nang dahil sa isa sa mga sundalo mo. I don’t care if he is a captain or what. This was the first time that something like that happened here. Mahalaga sa akin ang kaligtasan ng bawat pasiyente namin. Ngunit nang dahil sa nangyari kanina ay dalawa ang nagkaroon ng komplikasyon. They are currently in a operation right now due to shock. Plus the overall total costs of the damages in my hospital,” paliwanag ng direktor. “I’m sincerely apologize for what had happened earlier, Director. I didn’t expect that to happen. Hindi ko rin naman ginusto na mangyari ito. Hindi ko inakala na malalaman nila na narito ako ngayon. Nagkaroon ako ng emergency kanina at bumuka ang sugat ko kaya isinugod ako rito ng kasamahan ko. Since ito lang din naman ang may pinaka-malapit na ospital,” paliwanag ko. “Bakit ka ba nasa labas? Hindi ba at sa pagkaka-alam ko ay dapat nasa inyong base ka?” tanong niya sa akin. “Apparently, me and my team were now in a one month vacation. This is the first day of our vacation, and yet this happened.” “I am so sorry for what happened here in your hospital. Inaalam na rin namin ngayon kung paano nalaman ng mga rebelde na ‘yon na narito ngayon si Cameron at may injury. We will deal with you about all of the damages here in the hospital. Then, kakausapin ko ang mga pamilya ng inooperahan ngayon nang dahil sa nangyaring gulo. We will take responsibility for this,” sabat ni Chief Commander sa usapan namin. Tumango naman ang direktor, “Okay, we will talk about this tomorrow morning with the head executives of the hospital.” Nagpaalam na kami sa kaniya saka kami sabay na lumabas ng chief commander. Tumigil kami sa harap ng pinto. “How’s your condition?” tanong niya sa akin. Tinignan pa niya ang sugat ko. “I’m fine, Chief. Hindi naman ako nasugatan sa nangyari kanina.” “Good. I am still looking for the source of those scumbags. Magpahinga ka na muna rito ngayong gabi at bukas ka na bumalik sa base,” utos niya. Tumango naman ako, “Masusunod, Chief.” “Where’s Sergeant Sawyer?” tanong niya muli at hinahanap sa akin si Cade. “Why is he not here when you needed him in such emergencies? Akala ko ba ay magkasama kayo kanina,” dagdag pa niya. Nice one, Cade. Na-bad shot ka tuloy ngayon sa tatay ni Presley. “Binisita niya po ang puntod ng kaniyang ina kaya umalis siya. Ang sabi rin niya ay babalik siya rito bukas. Pero mukhang nabalitaan na niya ang nangyari rito kaya malamang ay darating na rin siya maya-may,” sagot ko. “Where’s Presley? Tell her to go back to the base with me. I will wait her in the car.” Sumaludo ako sa kaniya bago siya umalis. Nagpunta ako sa private room ni Savannah ngayon. Nang makarating ako roon ay may malay na siya at nag-uusap na sila ni Presley. “Hanap ka na ng Chief Commander. Sumabay ka na raw sa kaniya sa pagbalik sa base,” bungad ko. Napatingin naman ako kay Savannah at umupo sa tabi niya, “Are you okay now? How are you feeling?” tanong ko. Bago pa siya makapagsalita ay may bigla na lang pumasok sa silid. “Captain? Captain! Where are you?!” sigaw ni Cade saka lumilingon pa sa buong kwarto. Tignan mo ang isang ‘to, parang hindi isang sundalo kung umasta ngayon. Nang makita niya ako ay patakbo siyang lumapit sa akin. Tinignan niya ang kabuuan ko at sinuri kung may nangyari ba sa akin. “Mabuti at buhay ka pa?” sambit niya. Agad ko siyang sinamaan ng tingin. “Pinapanalangin mo ba na sana ay hindi na ako nabuhay kanina?” seryosong tanong ko. “Hindi naman. Nabalitaan ko lang na napalibutan ka ng sampung mga armadong lalaki. Kaya kahanga-hanga at buhay ka pa rin hanggang ngayon,” biro pa niya. Gago talaga ‘to. Pero mukhang hindi pa niya napapansin si Presley kaya ako naman ang mang-aasar sa kaniya ngayon. “Bakit ganiyan ka umakto ngayon? Hindi ka man lang ba nahihiya sa mga kasama nating binibini rito?” sambit ko. Doon ay bigla siyang napatingin kina Savannah at Presley na nanonood sa amin. Mabilis niyang itinuwid ang kaniyang katawan nang makita niya si Presley. Hindi niya siguro inaasahan na pupunta rin dito si Presley. Ang inaakala niya ay si Savannah lang ang narito at isa sigurong nurse si Presley. “May mga kasama ka pala. Pasensya na at hindi ko napansin,” sambit niya saka agad na iniwas ang tingin kay Presley. Idinako niya ang kaniyang paningin sa pintuan. Ni hindi man lang niya binalak na batiin si Presley kahit na may pinagsamahan naman silang dalawa. Hanggang ngayon talaga ay wala akong ideya kung ano ang nangyari sa kanilang dalawa. Parehas naman sila na walang may gustong sabihin sa akin ang dahilan. “Ganiyan ka pala umakto kapag may kaharap kang ibang tao? Hindi ko akalain na nagbabago ang ugali mo kapag iba ang mga kasama mo. Pero ‘pag ako ang kasama mo sa iisang lugar ay daig mo pa ang isang pipi na hindi man lang umiimik. Tila ba isa akong hangin at hindi mo nakikita,” kumento naman ni Presley. Tila wala namang narinig si Cade at hindi siya nagsalita. Nanatili ang paningin niya sa pintuan. “Ano ba talaga ang mayroon sa inyong dalawa at ganiyan kayo umakto? Ngayon lang ako magtatanong kung ano ang nangyari sa inyo noon, kaya sana—“ Hindi ko naman natapos ang gusto kong itanong nang magsalita si Cade. “Huwag mo nang subukan pa na magtanong. Ano ang nangyari sa ‘yo, Doctor?” tanong naman ni Cade kay Savannah upang ibahin ang usapan. Nakita ko na umirap si Presley at bigla na lamang na sinamaan ng tingin si Savannah. Napansin din ‘yon ni Savannah ngunit naiilang siyang tumingin kay Cade. “A-ah, nawalan ako ng malay kanina dahil sa nangyari,” sagot nito. “Huwag ka nang mahiya sa akin, Doc. Ikaw naman ang nagligtas sa buhay nitong kaibigan ko.” Mas lalong tumilim ang sama ng tingin ni Presley kay Savannah nang ngumiti si Cade. Sinamaan ko rin ng tingin si Cade dahil tunog nanglalandi ang salitaan niya. “Huwag mo akong samaan ng tingin. Wala naman akong ginagawang masama sa ‘yo,” mataray na sambit ni Savannah. Tinaasan niya ng kilay si Presley. “Nakakagalit dahil ang isang katulad mo pa ang nagawa niyang pansinin kaysa sa akin,” sagot ni Presley. “Kasalanan ko ba na mas maganda ako kaysa sa ‘yo kaya kinausap niya ako at ikaw ay hindi pinansin?” mayabang naman na sagot ni Presley. Sinipa ko agad si Cade. “Ano? Pinansin mo siya dahil maganda siya? Nagagandahan ka sa kaniya?” inis na sagot ko. Dapat ako lang ang nagagandahan kay Savannah at hindi siya. “Hindi ganoon—“ “Ugh, I really hate you since then! Bakit ba kasi nakita pa kita ulit? You ruined my night!” irita na sigaw ni Presley na ikinagulat namin. Napatahimik kaming dalawa ni Cade. Bigla ay tumayo na si Savannah mula sa kaniyang kama. “What? I ruined your night? Kamusta naman ang gabi ko? I already had a trauma because of what happened earlier dahil ang isa sa kasamahan mo ay na-admit dito sa hospital namin. I became a hostage because of him! Tapos aartehan mo lang ako na nasira ang gabi mo dahil sa akin?” mabilis na sambit naman ni Savannah. “So what? As if I care about your feelings and about what happened to you earlier. Mabuti nga at buhay ka pa ngayon. Kung sakali na napanood kong na-hostage ka kanina ay baka pinalakpakan ko pa ang lalaki dahil tama ang nakuha niya bilang isang hostage. You deserve it because of what you have done to be before!” Nagpapapalit-palit na ang paningin namin ni Cade sa kanilang dalawa. Tila ba hindi na matatapos ang kanilang sagutan ngayon. Ganito ba talaga kapag matagal nang hindi nagkita at nagsama ulit? Tapos may alitan pa pala sila noon kaya hanggang ngayon ay dala-dala pa rin nila at nagsusumbatan silang dalawa. Hindi ko akalain na kahit mga propesyunal na ay ganito pa rin ang mga babaeng ‘to. Akala mo mga bata kung umasta at mag-away. “Yeah, right. You don’t care? Pero bakit ikaw pa ang nag-asikaso sa akin kanina kung wala ka naman palang pakialam sa akin? Hanggang ngayon ay plastik ka pa rin tulad noon. Ikaw ang hindi nagbago. Hanggang ngayon ay nagpapaka-tanga ka pa rin sa mga lalaki at inaaway mo ang mga babae kahit na wala namang ginagawa sa ‘yo!” “Say what?! Hindi ako nagpapaka-tanga sa isang lalaki, ‘no!” “Stop it! Shut up, will you? Parang hindi kayo mga doktor at sundalo kung umasta,” suway ko sa kanilang dalawa. Naririndi na ako sa mga boses nila. “Shut up! Hindi ka naman kasali rito!” sigaw nilang dalawa sa akin. Lumapit naman si Cade at tinapik ako habang tumatango-tango pa. “Kung ako sa ‘yo ay hindi na ako sasabat pa. Baka mamaya ay ikaw ang pagbuntungan nila ng galit at mamatay ka na nang tuluyan,” bulong pa niya sa akin kay sinamaan ko siya ng tingin. Nagpatuloy lamang sa pag-aaway ang dalawa at talagang hindi tumigil. Ni hindi ko na nga maintindihan ang mga sinasabi nila dahil sa bilis nila magsalita. Wala rin naman kaming ideya ni Cade kung tungkol saan ‘yon. Ganito pala ang mga babae, tss. Napaisip tuloy ako kung tungkol saan ba ang pinag-aawayan nila at kung ano ang nangyari sa kanila noon. Ibig sabihin ay maganda na noon pa si Savannah dahil maraming mga lalaki ang nagugustuhan siya. Marami na rin kaya siyang naging kasintahan? Kung wala pa ay sana ako na ang maging una niyang kasintahan. Ibibigay ko sa kaniya ang buong puso at buong buhay ko at sisiguraduhin ko na siya lamang ang mamahalin ko. “Ano namang iniisip mo riyan? Mukha kang manyak na nakangiti at nakatitig lamang kay Doctor Desmond,” bulong sa akin ni Cade. Nakangiti naman ako na tumingin sa kaniya. “Mukhang tinamaan na nga talaga ako sa kaniya. Gusto ko nang ialay sa kaniya ang buong buhay at puso ko.” “The f**k, dude. May tama ka na yata sa utak.” “Sa puso ako tinamaan.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD