[CAPTAIN HAMZA CAMERON’S P.O.V.]
Mabilis kong iniyuko ang ulo ni Savannah nang marinig namin ang sunod-sunod na putukan. Pakiramdam ko ay sa sahig naman ang pinuputukan ng mga gunggong na ‘yon. Hindi ko akalain na totoo ngang kakailanganin ko ang bantay. Ngunit hindi naman isang doktor ang kailangan ko na magbantay sa akin kung ganito rin naman ang sitwasyon na mangyayari. Mapapahamak pa ang buhay ng inosenteng doktor na ito. Hindi ko rin inaasahan na malalaman ng ibang mga tao na narito ako ngayon sa hospital at may injury.
Napansin ko na kinuha ni Savannah ang kaniyang cell phone. Nakita ko rin na mukhang tinitibayan niya ang loob niya ngayon.
“Sino ang tatawagan mo?” tanong ko. Inilabas ko na ang baril ko na iniwan ni Cade kanina rito sa kwarto ko. Ikinasa ko naman ‘yon. Mabuti na lang at kumpleto ang bala nito ngayon.
“Hello? There is an emergency right now at the hospital. Bakit wala man lang rescue?” sambit ni Savannah sa kabilang linya. Tumayo naman ako at bahagang lumapit sa pinto. Narinig ko na mas papalapit sila lalo sa kwarto ko. Pakiramdam ko ay iniisa-isa nilang pinapasok ang bawat silid sa ospital na ‘to. Sino naman kaya ang mga hayop na ‘yon? Mukhang malaki ang galit sa akin.
“What? Five guards were shot by them? How are their situation right now?” rinig ko na sambit muli ni Savannah. Kita ko ang stress sa itsura niya ngayon. I feel sorry for her. Mukhang nagitla siya ngayon dahil sa mga nangyayari.
“Okay, call the military or the police right now. Baka mas marami pa ang maging biktima mamaya! Lalo na at may mga pasiyente tayo rito,” utos pa niya saka pinatay ang tawag.
Nakarinig muli kami ng putok ng baril. May narinig din kami na binabalibag na pinto at nababasag na mga gamit. Lintik na ‘yan. Nasaan na ba ang rescue ngayon?
“Kahit anong mangyari ay huwag kang lalabas sa kwarto na ‘to. Naiintindihan mo ba ako?” sambit ko sa kaniya.
“What? Where are you going? Hindi ka pwedeng lumabas ngayon nang ganiyan ang sitwasyon mo. Maaari na mas lumala ang sugat mo kapag pinilit mo na igalaw ang katawan mo,” nag-aalalang sambit niya. Nginisian ko naman siya.
“Remember my name. I am Captain Hamza Cameron of Team Bullet. If I survive this night, then you must be ready to date me,” kumpiyansa na sagot ko.
“What?! Are you kidding me? How can you still joke at this kind of situation?” hindi makapaniwala na tanong niya sa akin.
“I am not joking. Totoo naman ang sinabi ko. Just trust me. Don’t get out of this room not until the rescue team comes.”
Hindi ko na hinintay na magsalita siya dahil agad na akong lumabas ng kwarto. Itinago ko pa muna ang baril na hawak ko kung saan hindi agad mapapansin. Nakita ko na magulo na sa may parte ng mga kwarto namin dito. Bigla ay tinutukan ako ng baril ng dalawang lalaki nang makita nila ako.
“Nakita na namin siya!” sigaw ng isa. Mga nakasuot sila ng face mask na itim at mata lang ang kita. Nakasuot din sila ng mga jacket na itim. Balot na balot ang kani-kanilang mga katawan. Agad akong pinalibutan ng sampung lalaki na may hawak na mga baril at nakatutok sa akin. Inobserbahan ko silang lahat at pilit na kinikilala. Sigurado ako na makikilala ko sila gamit ang isang simbolo o palatandaan. Ang mga kalaban ko ay kilala ko.
Inaalam ko ang bawat pwesto nila. Kung sampu silang narito ngayon ay may labing-dalawa akong bala sa baril ko. Kailangan ko lang maasinta ang isang parte ng bawat katawan nila.
“Gusto niyo lang pala na makita ako tapos kailangan niyo pang gawin ‘to rito? Grabe naman ang surprise ninyo sa akin,” sambit ko. Nakataas ang dalawang kamay ko pero nakangisi ako sa kanila. Nasa gitna na ako ngayon at tinitignan sila.
“Hindi kami nakikipag-biruan sa ‘yo, Cameron. Ito na ang huling oras mo sa mundong ‘to,” sambit ng isang malaki ang katawan na lalaki. Tinitigan ko siya at nakita ko na medyo nakabukas ang jacket niya. Sa loob ay naka-itim na sando siya at doon ko napansin ang isang tattoo. Sinasabi ko na nga ba at makikilala ko sila sa isang simbolo o palatandaan.
Mayroong simbolo ng itim na kabayo sa bandang dibdib niya. Sigurado na ako ngayon na pati ang mga kasamahan niya ay mayroong ganoon sa katawan. Ang simbolo na ‘yon ay isang grupo ng mga rebelde na natugis namin noong nakaraan na buwan. Hindi namin napatay o nahuli ang pinaka-pinuno nila noon dahil agad itong nakataas. Kutob namin ay mayroong ibang grupo na tumulong sa kanila para makatakas sila noong araw na tinugis namin ang kuta nila.
Ang pangalan ng samahan nila ay ang DH o Dark Horse dahil sa simbolo nila. Nang makita ko ang lalaking malaki ang katawan na ito ay saka ko lang siya mas namukhaan. Ang marka na nasa gilid ng kaliwang mata niya ngayon... ‘yon ang iniwan kong sugat sa kaniya. Kaya naman pala ay mukhang inabangan talaga nila ako na makaalis sa military base para mapatay nila ako. Kaya namin sila tinugis ay dahil pumapatay sila ng mga inosenteng tao sa iba’t-ibang lugar. Tapos ay ibinebenta nila ang mga laman-loob ng mga ‘yon sa mga ospital sa ibang bansa. Iyon ang negosyo na ginagawa nila.
“Paano mo naman nasabi na ito na ang huling oras ko sa mundo? Paano kung sabihin ko na mauuna ka pa kaysa sa akin?” pang-aasar ko pa sa kaniya. Kita ko naman na mas napikon pa siya. Gigil niyang itinutok sa akin ng ayos ang kaniyang baril saka lumapit sa akin. Idiniin niya ang baril sa noo ko ngunit ni hindi man lang ako natinag. Nanatili lamang na nakatingin ako sa mga mata niya.
“Sino ba ang tinakot mo rito? Hindi mo ako magagawang takutin. Nakikita mo ba itong ginawa mo sa akin noong nakaraan?” Itinuro niya ang sugat na natamo niya nang kalabanin niya ako. Deretso pa rin ang paningin ko sa mga mata niya.
“Masakit ba?” sarkastiko kong tanong. “Kaya ka siguro umiyak at nanakbo saka nagtago dahil sa sugat na ‘yan.” dagdag ko pa.
“Isa ka talagang gago—“
Hindi na niya nagawang ituloy pa ang sasabihin niya nang agad kong hawakan ang kanang kamay niya na may hawak na baril. Inikot ko ang braso niya saka mabilis na pinutok ang baril isa-isa sa kaniyang mga kasamahan na nakapalibot sa amin. Kinuha ko rin ang isang baril ko na nakatago para mabaril din ang iba. Halata naman na mga nagulat sila at hindi inaasahan ang gagawin ko kaya hindi na sila nakahanda pa. Hindi ko sila balak na patayin. Binaril ko lamang sila sa mga parte ng katawan nila na alam kong hindi na sila makakalaban pa. Sari-sari ring ingay ang narinig ko dahil sa sigawan ng mga tao rito sa ospital dahil sa putok ng baril. Hindi ko rin naman ginusto na mangyari ito rito.
Dahil dalawang kamay ang gamit ko upang mabaril ang mga tauhan ng lalaki na ‘to ay agad siyang nakawala sa akin. Mabuti na lang at natumba na ang ibang mga kasamahan niya. Sinuntok ako ng pinuno nila kaya natumba ako sa sahig saka niya inagaw ang isang baril na hawak ko. Mabilis siyang lumayo mula sa akin. Tumayo naman ako agad at nang papuputukan ko na siya ay napansin ko na lumabas sa pintuan ng kwarto ko si Savannah. Mabilis siyang nahila ng pinuno at agad na naging hostage!
Damn it! Ang tigas naman pala ng ulo ng doktor na ito. Sinabihan ko na nga siya kanina na kahit na anong mangyari ay huwag siyang lalabas sa silid na ‘yon. Ngunit hindi pa rin siya nakinig sa akin. Kung kailan naman wala na akong poproblemahin pa dahil napatumba ko na ang mga kasamahan niya, saka naman siya lumabas at naging bitag.
Itinutok ng pinuno ang hawak niyang baril sa sentido ni Savannah. “Bitiwan mo siya,” mariin na banta ko sa kaniya. Ngumisi naman ito. Ramdam ko ang takot ni Savannah sa sitwasyon niya ngayon. Anumang oras ay maaaring iputok sa ulo niya ang baril na hawak nito. Wala silang sinasanto na kahit sino.
“Bakit? Ito ba ay nobya mo? O isang normal lamang na doktor na nag-opera sa sugat mo?” nakakalokong tanong niya sa akin. Nakakasa na ang baril at nakita ko na gumagalaw na ang daliri niya.
“H-hindi ko siya kasintahan—“
“Oo, nobya ko siya. Ang ganda niya, hindi ba?” sagot ko. Kaya hindi na naituloy ni Savannah ang sinasabi niya. Nauutal pa siya tapos nagawa pa rin niya na sumagot sa sitwasyon niyang iyon. “Mabuti naman pala at tamang-tama dahil lumabas siya ng silid na ‘yon. Mas magandang panoorin mo muna na mamatay ang nobya mong ito bago kita patayin!”
“Go, kill her,” sagot ko. Ibinaba ko ang hawak kong baril na nakatutok sa kaniya. Tila nagulat silang parehas dahil sa sinabi ko. “W-What?” hindi makapaniwala na tanong ni Savannah sa akin.
“I said, kill her. Now,” pag-uulit ko muli sa sinabi ko. Deretso ang titig ko sa mga mata ni Savannah hanggang sa dumako ang paningin niya sa hintuturo ko sa kaliwa. Sumesenyas ako sa kaniya na umilag siya pagkabilang ko ng tatlo. Tinititigan ko rin ang lalaki. Mabuti naman at hindi niya napapansin ang kaliwang kamay ko. Muli akong tumitig sa mga mata ni Savannah na para bang nag-uusap kaming dalawa gamit ‘yon. Pumikit ako ng bahagya upang sabihan siya na sisimulan ko na ang balak ko.
“Matapang ka talagang— AH!”
Sa sobrang bilis ng kamay ko ay hindi na siya nakapag-handa pa. Agad ko nang binaril ang kamay niyang may hawak ng baril at nakatutok kay Savannah. Nang matapos kong sumenyas kay Savannah na umilag siya pa-kaliwa ay saka ko binaril ang kamay ng lalaki. Napa-atras ito kaya agad na tumakbo si Savannah papunta sa likuran ko.
“I am Cameron, hindi mo na dapat tinangka pa na kalabanin ang isang tulad ko kung alam mo naman na mamamatay ka rin sa huli,” sambit ko pa. Pinaputukan ko siya sa isa pa niyang kamay kaya tuluyan na niyang nabitawan ang baril na hawak niya. Ramdam ko naman ang kapit ni Savannah sa damit ko sa likuran.
Sunod ay napansin ko na ngayon lamang nagdatingan ang mga rescue team at ang iba ay mga galing sa military base. Nang makita nila ako ay agad silang lumapit at sumaludo sa akin.
“Salute!” sigaw nila pare-parehas. Tinignan ko kung sino-sino ang mga narito ngayon. Kabilang team pala ang mga ito pero ako pa rin ang may hawak sa kanila dahil ako ang nag-eensayo sa kanila. “This is an emergency, and yet you came too late?” seryosong sambit ko sa kanila. Umabante ang isa sa tumatayong pinaka-mataas sila.
“We’re so sorry, Captain! Hindi agad naihanda ang mga sasakyan at nagkaroon ng traffic habang papunta kami rito,” paliwanag niya.
“Tulungan na ninyo ang rescue team na asikasukin ang mga miyembro ng DH. Dalhin silang lahat sa military base at susunod na ako roon kapag nakausap ko na ang may-ari ng ospital na ‘to. Sabihan mo rin ang chief commander na pumunta rito—“
“No need for him to come, I’m already here,” sabat bigla ni Presley at nakita ko na nasa likuran ko na siya. Sumenyas na ako sa mga sundalo na kumilos na sila. Bigla ay natuon kay Savannah ang atensyon ko saka bigla na lang siyang natumba dahil sa panghihina. Mabuti na lamang at mabilis ko siyang nasalo. Pakiramdam ko ay grabe ang takot niya dahil ito ang unang beses na naranasan niya ang ganoong sitwasyon. Kung bakit ba naman kasi lumabas siya.
“Tandaan mo ang sasabihin ko na ‘to! Mapapatay din kita gamit ang sarili kong mga kamay, Cameron!” rinig ko pa na sigaw ng pinuno ng DH. Hindi ko na siya pinansin pa dahil nakatuon na ang buong atensyon ko kay Savannah na hanggang ngayon ay inaalalayan ko pa rin.
“Are you okay?” nag-aalala na tanong ko.
“I feel like... I died just right now. My soul left me...”