6

2000 Words
[CAPTAIN HAMZA CAMERON’S P.O.V.] Natawa na lang ako dahil sa reaksyon niya. Halata mo talaga na wala na siyang magagawa ngayon kung ‘di ang sumunod sa mga utos sa kaniya. Gusto ko lang din naman sulitin na kasama ko siya habang narito pa ako sa hospital. Hindi ko na rin naman siya makikita pa muli kapag lumabas na ako rito. Naalala ko pa ang usapan namin kanina ni Presley. Ang isang ‘yon talaga ay grabe ang pag-aalala sa akin. Kahit na kaya ko naman ang sugat na ‘to ay ini-report pa niya sa kaniyang ama ang nangyari sa akin. “Where are you?” tanong ni Presley sa akin nang tumawag siya. Wala sana akong balak na sagutin ang tawag niya ngunit bigla kong napindot. Makulit din kasi ang isang ito. Ako ang tinatawagan niya kapag hindi sinasagot ni Cade ang tawag niya. Sa akin niya rin hinahanap si Cade at humihingi ng update tungkol kay Cade. “Why? Hindi ko kasama si Cade ngayon.” “So where are you?” mataray na tanong niya muli. Akala ko kasi ay tawag ni Doctor Savannah Desmond kaya sinagot ko agad. Hindi ko naman akalain na siya pala ang tumatawag. Sana pala sa susunod ay imu-mute ko na ang number ni Presley sa akin. “I’m currently at the hospital right now. Bakit ba? Hindi ko nga kasama ngayon si Cade.” “Hospital? At bakit ka naman napunta sa hospital? Bakasyon ng team bullet ngayon pero nasa hospital ka? Tapos hindi mo pa kasama si Cade ngayon? I don’t believe you, Cameron,” mataray muli na sagot niya sa akin. Mukha ba akong sinungaling? Kung hindi lang siya anak ng Chief Commander ay hindi ko talaga siya kakausapin. “Hindi ako nagsisinungaling. Totoo na naka-admit ako rito sa Newlife Hospital ngayon dahil sa sugat ko. May pinuntahan si Cade. Hindi rin naman pwede na babantayan niya ako rito. It will be awkward for the both of us,” sagot ko. “Saan naman siya pumunta? Tsaka Newlife Hospital? Who operated you?” Ang dami namang tanong ng babae na ‘to. Interview ba ito at kailangan kong sagutin lahat? Baka mamaya ay nag-reply na sa akin si Savannah pero kailangan ko pa ring sagutin si Presley. “Binisita niya ang nanay niya. Doctor Savannah Desmond was the one who operated me. Why? Do you know someone here?” Ako naman ngayon ang nagtanong sa kaniya. “So wala kang kasama sa kwarto mo ngayon? I will report this to the chief commander. Hindi pwede na walang bantay ang captain d’yan lalo na at injured ka pa. I know your doctor. I-request mo na siya ang magbabantay sa ‘yo for the mean time habang nariyan ka at nagpapagaling. The chief commander will call the hospital for you.” Nagulat naman ako sa sinabi niya. “What? Hindi ko naman na kailangan pa ng bantay dito. Hindi mo pa rin ba ako kilala ng lubusan? Wala ka bang tiwala sa akin? Hindi naman ako mapapahamak dahil kaya ko ang sarili ko. Huwag mo nang i-report sa chief commander.” “Hindi ka sigurado kung ano ang mga posibleng mangyayari sa ‘yo habang nariyan ka. Alam mo naman na inaalagan ka ng ayos ni Dad. Lalo na at wala ka pang magiging katulungan d’yan. Just ask for Desmond to assist you. Bye.” Hindi na ako nakasagot pa no’n at pinatay na niya ang tawag. Matindi rin talaga ang babae na ‘yon. Totoo nga na ni-report niya sa kaniyang ama ang nangyari sa akin. Sunod naman ay tinawagan ng chief commander ang head ng Newlife Hospital. Kaya naman wala nang nagawa ngayon si Savannah kung ‘di ang mag-stay dito ngaynon sa kwarto ko. “Paano kayo naging close friends ni Lieutenant Emerson?” tanong ko sa kaniya upang may mapag-usapan kaming dalawa. “We are not friends nor close friends. Magkakilala lang kami dahil nag-aral kami sa iisang school noong college. In fact, isa siya sa rival ko sa dean lister noon. Malaki pa ang galit niya sa akin dahil ang ex-boyfriend niya ay niligawan ako noon. Although hindi ko naman pinatulan ang lalaki na ‘yon pero sa akin pa rin siya nagalit. Kaya nakakagulat na ako pa ang ni-recommend niya sa ‘yo. I bet that she just wants me to suffer right now,” sagot niya. Hindi ko akalain na may kadaldalan din pala siya. Nagulat naman ako dahil iyon pala ang history nilang dalawa ni Presley. What a small world. Pero ang sabi naman ni Presley ay magkaibigan silang dalawa. May ugali rin kasi talaga ang isang ‘yon kaya hindi na ako nagtataka ngayon. “Oh, that’s why. Wala naman akong alam sa history ninyong dalawa.” “Kanina pa ako curious at gusto ko nang malaman ngayon. Ano ba ang katungkulan mo sa military? Anong klase kang sundalo para kailanganin mo pa ng taga-bantay dito sa hospital? Hindi ba dapat ay ang mga kasamahan mo ang magbantay sa ‘yo kung mataas ang ranggo mo sa military?” sambit niya. Natawa naman ako dahil hindi pa rin pala niya alam kung ano ang katungkulan ko talaga. Ang alam niya lang ay isa akong sundalo. Siguro ay iniisip niya kanina na isa lamang akong ordinaryong sundalo. Kaya ba kahit hanggang ngayon ay hindi pa rin niya ako binibigyan ng respeto? “What do you think? I will let you judge me again. Ano sa tingin mo ang ranggo ko kaya kailangan ko ng magbabantay sa akin dito?” hamon ko sa kaniya. Tinaasan naman niya ako ng isang kilay. “Can I be honest?” “Go ahead.” “To be honest, sa tingin ko ay isa ka lang namang normal na sundalo. Kasi kung may mataas ka na ranggo ay dapat mga kapwa mo sundalo ang nagbabantay sa ‘yo rito.” Kaunti na lang ay matatawa na ako sa isinagot niya sa akin. Tama nga ang naisip ko dahil iyon ang tingin niya sa akin. Grabe talaga mag-judge ang isang ito. Pero gusto ko ang ugali niyang ‘yon dahil straight to the point siya at hindi nagappaligaw-ligaw pa. Hindi katulad ng ibang mga babae na plastic pa kung sumagot. “I am Captain Hamza Cameron from the main military base,” pakilala ko sa sarili ko. Mukhang nagulat naman siya sa sinabi kong ‘yon. Malamang ay hindi niya inaasahan na isa pala akong captain kaya ganoon ang trato sa akin ng chief commander. “Oh, you’re a captain.” Bahagyang kumunot naman ang noo ko dahil sa sagot niya. “‘Yan lang ang sasabihin mo?” nagtataka na tanong ko. “Why? Kailangan ko pa bang magsabi ng iba pa? O gusto mo ay purihin pa kita sa pagiging captain mo?” sarkastiko niyang sagot. Halata talagang bored na bored na siyang kausap ako ngayon. Sa tingin ko ay ang babaeng katulad niya ay walang pakialam sa mga lalaki o ‘di kaya sa isang relasyon. Mas gusto niya na focus lamang siya sa career niya. Ganoon din naman ako. Natawa na lang ako ng bahagya, “Akala ko lang ay ma-amaze ka ng kaunti kahit papaano tungkol sa akin kapag nalaman mo ‘yon,” kumento ko. “Wala akong interes sa mga lalaki masyado. Miski sa mga pasyente ko ay hindi ako masyadong nakikipag-interact sa kanila personally. Busy akong tao at ikaw lang ang unang nakapang-istorbo sa akin ng ganito.” “Istorbo ba para sa ‘yo ang mga pasiyente mo? Hindi ba at wala namang mali kung babantayan mo ako at aalagaan hanggang sa gumaling ang sugat ko?” “Kung gusto mo pala ng mag-aalaga sa ‘yo ay sana kumuha ka na lang ng private nurse mo. Isa akong doktor at hindi lang din naman ikaw ang pasiyente na mayroon ako. Kung hindi lang ako inutusan ng head namin ay hindi sana ako pupunta rito.” “Well, I’m sorry for that. I just want to have someone who can accompany me here. Hindi ko rin kasi gusto na mag-isa. Lalo na at ngayon lang din naman ako nakaalis mula sa military base. We have a one month vacation after risking our lives on a war outside the country. Pero heto ako at sa hospital pa nagpapahinga imbis na sa sariling bahay ko. Pero kung hindi mo naman talaga ako gusto na asikasuhin ngayon ay ayos lang sa akin. Maaari ka nang umalis ngayon sa kwarto ko para rin makapag-pahinga ka na ng ayos,” madramang sambit ko. Tumayo naman siya at akala ko ay aalis na talaga siya nang makita kong kumuha siya ng mga unan at kumot sa maliit na cabinet na narito sa private room ko. May isa pang kama na ilang hakbang ang agwat sa kama ko. Pumwesto naman siya doon at inayos ang higaan niya. “Kailangan kong sundin ang head namin at dahil isa kang captain ay kailangan nga kitan bantayan. Baka kapag may nangyaring masama sa ‘yo ay ako pa ang sisihin. I will just do this tonight. You can’t request for me tomorrow.” Hindi na ako umimik pa. Saka ko lang naisip na medyo pang bata nga ang ginagawa ko sa kaniya ngayon. Hindi naman ganito ang ugali ko at hindi rin ako makulit. Ganito ba ang epekto kapag ngayon lang nagkaroon ng interes sa isang babae? Kinuha ko na lang libro na binabasa ko kanina at muli kong pinagpatuloy ang pagbabasa ko. Napansin ko na umupo siya sa kama niya at kinuha ang kaniyang cell phone. “Why did you choose to be a military? Marami namang ibang mga propesyon. Kaya bakit ‘yon pa ang pinili mo kung saan mapapahamak lang ang buhay mo?” tanong niya bigla. Hindi ko naman akalain na magkakaroon na siya ngayon ng interes sa akin. Isinara ko ang libro na hawak ko. “Gusto ko lang na maging maayos ang lahat sa bansa natin. Hindi ko alam pero bata pa lang ako ay ‘yon na talaga ang gusto ko. How about you? Bakit mas naisip mo na maging doktor? Maaari kang makapatay ng isang inosenteng tao kapag nagkamali ka sa isang operasyon,” tanong ko pabalik. “Gusto kong magligtas ng buhay ng maraming tao at ng mga nangangailangan. Pero hindi rin naman talaga maiiwasan na magkaroon ng mga ganoong klase ng problema. Ginagawa ko naman ang lahat para makaiwas sa mga ganoong sitwasyon.” “I think that you’re a brave woman. Bihira rin ang mga babaeng katulad mo,” puri ko sa kaniya. “Mas matapang ka dahil buhay mo ang nakasalalay sa trabaho na kinuha mo. Maswerte ka dahil hanggang ngayon ay buhay ka pa rin. Kahit na ilang beses ka nang sumugod sa gyera. Pero dapat sa susunod ay mag-ingat ka pa rin. Maaari mo ring ikamatay ang mga sugat na natatamo mo. Lalo na kapag mas lumala pa ang bawat sugat mo,” paalala niya sa akin. May ganito rin pala siyang ugali. Kahit papaano ay concern pa rin talaga siya sa mga pasiyente niya. “Kaibigan ko noon ang sumaksak sa sugat ko na ito. Kaya hindi ko rin magawa na magalit sa kaniya. Isa pa ay alam ko naman na hindi ko ito ikamamatay. Sinadya niyang hindi ako saksakin sa maselan na parte ng katawan ko,” kwento ko sa kaniya. “Oh, so you— WAAHH!” Hindi niya naituloy ang sinasabi niya nang mapairit siya dahil sa putok ng baril. Sunod-sunod ang mga putok. Miski sa labas ay rinig na namin ang ingay ng mga tao. Agad akong tumayo mula sa kama ko at nilapitan si Savannah. “Yuko!” sigaw ko sa kaniya. “Hanapin niyo kung nasaan ang kwarto ngayon ni Cameron. Ito na ang pagkakataon natin para mapatay siya kaya huwag niyo nang palagpasin pa!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD