[DOCTOR SAVANNAH DESMOND’S P.O.V.]
“How’s your patient earlier, Doc? I heard that he’s a stubborn one,” tanong sa akin ni Doctor Francia. Dere-deretso lang ang lakad ko papunta sa private room ng isang pasyente ko. Nakasunod naman siya sa akin. Wala na sana akong balak na pansinin siya, pero alam ko naman na hindi pa rin siya titigil sa kakasunod sa akin. Sa oras na hindi ko siya pansinin ay mas lalo niya akong kukulitin. Pero kapag sinagot ko naman siya ay hindi niya rin naman ako titigilan. Kaya mas mabuti na makaiwas na agad ako sa kaniya.
“He’s fine,” maiksing sagot ko. Hindi ko rin gusto na kausap ang isang ‘to. Masyado siyang makulit at may gusto raw siya sa akin. Pinipilit niya akong ligawan at gusto niya akong maka-date pero wala akong oras para sa mga ganoong bagay. Lalo na at marami nang issue sa kaniya noon pa na kumalat dito sa ospital. May mga nurses siyang dinala sa isang date noon, pero pinipilit niyang halikan. May pagka-manyak siya. Kaya nga noong nalaman ko na ako ang target niya ay iwas na iwas ako sa kaniya. Marami na rin ang nagsabi sa akin na iwasan ko siya. Kung sakali man na yayain niya ako sa date ay huwag akong papayag, which is ‘yon naman ang ginagawa ko kahit na hindi nila ako sabihan.
“I also heard that he’s handsome, is that true? Well, I bet it’s a fake news. Baka mas gwapo pa ako kaysa sa kaniya,” pagyayabang niya. Gusto ko na lang mapailing dahil sa kayabangan niya. He’s so full to himself. Pakiramdam pa niya ay makukuha niya ang lahat ng mga babae, dahil gwapo ‘raw’ siya. Hindi ko nga akalain na may nakapasok na isang doktor dito na ganito ang ugali. Well, mahusay din naman siya na doktor. Pero sadyang hindi ko lang talaga gusto ang awra niya at kung paano siya makitungo sa mga kababaihan dito sa ospital.
“He is handsome,” sagot ko na lang. Para naman kahit papaano ay mawala ang kayabangan sa katawan niya. Mas magandang barahin ko na lang siya. Ayoko sa lahat ay ‘yong mga tao na nagmamayabang kahit na wala naman talaga silang iyayabang. O kung mayroon man siyang iyayabang, dapat ay kipkipin na lang niya sa kaniyang sarili.
“What?”
Hindi siya makapaniwala sa isinagot ko at napahinto pa siya mula sa paglalakad. Hindi ko na siya pinansin pa at pumasok na sa loob ng private room. Ni-lock ko rin ang pinto para hindi na siya sumunod pa sa akin. Sinabi ko lang naman ‘yon para tumigil na siya na kulitin ako. Para sa akin ay hindi rin naman gwapo ang lalaki na inoperahan ko kanina. Isa pa ang lalaki na ‘yon. Kanina lang ako nagkaroon ng isang pasiyente na ganoon kabastos at kayabang din. Siya lang ang pasiyente ko na hindi man lang nawalan ng malay kahit na inooperahan ko na. Well, depende na lang sa mga pasiyente na kailangan ay gising talaga. Inalis ko na langsila sa aking isipan saka ko nilingon ang pasiyente ko.
“How are you?” naka-ngiting tanong ko sa matandang babae. Nakangiti na rin siya sa akin at inaasahan na niya ang pagbisita ko sa kaniya. She had brain tumor. Pero dahil sa operation ay kahit papaano, medyo naging maayos siya. But her life is still at risk. Ano man na oras ay may pwedeng mangyari sa kaniya na hindi maganda. Kaya nga siya ang pinaka-pinagtutuonan ko ngayon ng pansin. Matagal ko na siyang pasiyente at masaya ako dahil napakabait niya sa akin. Malapit na rin ang loob ko sa kaniya dahil nakikita ko sa kaniya ang aking lola na nag-alaga sa akin noong bata pa lamang ako. Si Lola at si Mama lang ang mga nakasama ko simula noong napanganak ako. Dahil patay na ang aking ama bago pa ako maipanganak. Samantalang wala na ring pamilya ang aking ama. Kaya si Lola na lang ang natira na kamag-anak namin ni Mama noon. Kaya kahit sinong matatanda ang pasiyente ko ay inaalagaan ko ng mabuti. Dahil hindi ko na ‘yon nagawa pa noon kay lola.
“I am always fine, Doctor. It’s because you are taking good care of me always,” sagot niya sa akin. May kaya sa buhay ang matanda na ito. Pero kahit na mapera ang kaniyang pamilya ay hindi niya nararamdaman ang pag-aalaga sa kaniya ng kaniyang mga anak o apo. Hindi ko nakita na dumadalaw ang mga apo niya rito. Sa pagkakaalam ko ay matatatanda na rin ang kaniyang mga apo. Samantalang ang mga anak naman niya ay sinabihan lang kami na bantayan siya ng mabuti. Dahil abala sila sa kani-kanilang mga trabaho, kaya kaming mga doktor at nurses ang dapat na mag-alaga sa kanilang ina. Hindi ko naman ‘yon magawang sabihin sa matandang babae dahil alam kong masasaktan siya.
“I am glad to here that. I am just doing my duties to you.”
Noong matapos ang operasyon ay hindi man lang niya ako sinisi o nagalit sa akin dahil hindi fully successful ang operasyon niya. In fact, mas nagpasalamat pa siya sa akin dahil daw pinahaba ko ang buhay niya kahit papaano. Hindi kakayanin ng katawan niya kung tatapusin ang buong operasyon kaya itinigil namin. Hindi namin naalis ang tumor sa utak niya. Inaasahan ko naman nang ganoon ang mangyayari. Sinabihan ko siya na baka may mangyaring hindi maganda sa kaniya sa oras na operahan siya, pero malaki raw ang tiwala niya sa akin. Mabuti na nga lang at maswerte siya dahil hindi siya nawalan ng buhay sa mismong operasyon niya. Pero hindi ibig sabihin na naoperahan siya ay naging maayoos siya. Nagkaroon lamang ng kaunting palugit sa buhay niya, pero hindi na rin siya makakakilos pa ng ayos. Ni hindi na nga rin siya makalabas ng ospital. Nananatili na lang siya rito sa kaniyang kwarto. Kaya araw-araw ko siyang pinupuntahan at pinapakain ng mga gusto niyang pagkain.
“You are the best doctor that I ever had. Naalala ko na naman na ang dami nang ospital at doktor ang umayaw sa akin pero ikaw lamang ang tumanggap at nagtagal sa sitwasyon ko. Napaka-swerte siguro ng magiging asawa mo kapag dumating na ang tamang panahon,” kumento niya.
“Mukha ngang wala akong balak na mag-asawa. Wala akong oras para sa mga ganoong bagay. Mas gusto ko pa po na mahalin ang mga pasiyente ko kaysa magmahal ng lalaki at pumasok sa isang relasyon,” sagot ko naman. Iyon naman ang totoo dahil wala talaga akong oras sa pagmamahal na ‘yan o sa isang relasyon. Baka masaktan lang din ako at matulad kay Mama.
“Naku, sa ganda mong iyan ay tiyak na marami nang nahuhumaling sa ‘yo. Hindi lang ganda ang mayroon ka dahil matalino, mahusay, at mabait kang tao.”
Nakakatuwa na nagagawa pa rin niya akong purihin matapos nang sinapit niyang operasyon. Kung ibang pasiyente na siguro ‘yon ay magagalit na sa akin. Sasabihin na hindi ko ginawa ng ayos ang trabaho ko at nag-aksaya lamang sila ng pera para sa hospital bill.
Sasagot pa sana ako nang biglang nag-vibrate ang phone ko na nakalagay sa bulsa ng hospital coat ko. “Make sure to get your vitamins well for your healthy, okay?” paalala ko pa sa kaniya. Tumango naman siya habang nakangiti. Kinuha ko ang phone ko saka tinignan kung sino ang nag-text sa akin.
From: Unknown User
Hey, I want you to visit me in my room right now.
Napakunot naman ang noo ko dahil hindi naka-register sa akin ang numero ng nag-text na ito. Sino naman kaya ito? Wala naman akong pinagbibigyan ng numero ko bukod sa mga katrabaho ko rito at sa bangko. Kaya sino itong hindi ko kilala na nag-text sa akin?
Wala naman na akong balak na replayan pa siya. Baka mamaya ay spam message lang o ‘di kaya ay mga nanghuhula ng number para may mai-text. Akmang iba-block ko na ang number na ‘yon nang mag-text ulit.
From: Unknown User
Don’t ever try to block my number, Doctor Desmond. Come to room 105, I am your patient.
Nang makita ko ang room number na nakalagay sa mensahe ay kilala ko na agad kung sino siya. Nakakapagtaka kung paano niya nakuha ang cellphone number ko. He is kind of weird right now. May itsura nga siya pero ganoon naman ang behavior na pinapakita niya sa akin. Sino naman kaya ang hangal na nagbigay ng number ko sa kaniya? Sigurado ako na hiningi niya ‘yon dito sa hospital.
To: Unknown User
I am busy. Stop disturbing me during work hours.
Hindi ko siya ma-block agad dahil sa bilis niyang mag-reply sa akin pabalik. Mukhang naka-abang siya sa pag-reply ko sa kaniya. Kakaiba rin ang pasiyente na ito. Siya na siguro ang pinaka-makulit ko na naging pasiyente.
From: Unknown User
Do you want me to report you? You’re not taking care of your patient right.
Napa-irap na lang talaga ako. Ano ba talaga ang trip ng isang ‘to? Kalahating oras pa lang naman ang nakakalipas nang umalis ako mula sa kwarto niya. Naalala ko tuloy ang sugat niya sa gilid ng tiyan niya. Malala rin ang tama niyang ‘yon. Malalim ang sugat niya pero tila wala man lang siyang nararamdaman noong ginagamot ko ang sugat niya. Mukhang sanay na siya sa mga ganoong klase ng operasyon. Ganoon ba talaga kapag isang basagulero? Madalas na siguro siya sa hospital. Kaya hindi na rin tumalab sa kaniya ang anesthesia. Ni hindi man lang siya nakatulog habang ginagamot ang malalim niyang sugat.
Mabuti na lang at dual sim naman ang phone ko. Hindi ko na siya binlocked pero nag-airplane mode na lang ako para hindi na siya makapag-text sa akin. Baka mamaya ay tawagan pa niya ako sa sobrang kakulitan niya. Ipinagpatuloy ko na lang ang pagtingin ko sa bawat pasiyente ko. Malapit na rin naman na matapos ang shift ko ngayon.
“Doctor Desmond, someone reported you to me. He saids that you are not treating him properly. He’s a patient of yours,” tawag sa akin ng head namin.
Tinotoo nga talaga ng lalaki na ‘yon na ireklamo ako? He’s really unbelieavable. Dapat pala hindi ko na lang sinabi na dapat siyang mag-stay dito ng isa o dalawang araw para gumaling ang sugat niya. Kung alam ko lang na ganito pala siya kakulit kahit na hindi ko naman siya kilala.
“I already finished operating him, Doctor. I told him that the nurses will assist him if he needs anything more,” paliwanag ko sa head namin.
“Don’t you know who he is? He’s a big shot!” sambit pa niya. Kumunot naman ang noo ko, “Big shot?” nagtataka na tanong ko.
“Yes, I also heard that you insulted or judge him earlier during the operation. Mukha ba siyang barumbado para sa ‘yo, Doctor Desmond?”
Pati pa pala iyon ay sinabi niya sa head namin? Ano ba ang trip ng lalaki na ‘yon? Sinisira niya ang araw ko ngayon, tss. Ngayon ko lang siya nakita pero ang dami na niyang nagawa ngayon para masira ang araw ko. Hindi ko siya kilala at wala naman akong balak na kilalanin siya kahit na pasiyente ko siya. Malas pa yata ako ngayong araw dahil ako pa ang naging doktor niya. Sa dami ng doktor dito sa hospital namin ay ako pa ang nakakita sa kaniya.
“I did not insulted him. I am not that kind of doctor to my patients. Who is he?” inis na tanong ko pero may paggalang pa rin.
“I just know that he is one of the military. Go and visit him on his room and apologize. You don’t want to ruin your reputation just because of that issue, right?” tanong niya. Hindi na ako pumalag pa at nagpaalam na lang sa kaniya. Inis akong naglakad papunta sa kwarto ng lalaki na ‘yon.
Kumatok muna ako saka pumasok sa loob. Nadatnan ko siya na nagbabasa ng isang libro habang prenteng nakahiga sa hospital bed. Mukhang wala naman siyang kailangan sa akin pero pinapapunta pa rin ako rito. “What do you need?” walang gana na tanong ko.
“I bet you already know what kind of a person I am?”
“And so? Do I need to care about your personal information?” pang-babara ko sa kaniya. Nakakainis dahil pakiramdam ko ay ang yabang niya ngayon. Palibhasa ay sinumbong niya ako at nagtagumpay siya na mapapunta ako rito ngayon. Napahiya pa tuloy ako sa sinabi ko kanina na hindi na ako muling babalik pa rito dahil ang mga nurses na lang ang mag-aasikaso sa kaniya.
“Of course, you should care. I think I deserve to receive an apology from you, am I wrong?” Nakataas ang isang kilay na tanong niya sa akin. Oh, yeah. ‘Yon lang ba ang gusto niya? Then ibibigay ko na sa kaniya para makaalis na ako sa kwarto na ito. Nakakairita ang presensya niya. Halatang inaasar na niya ako ngayon.
“I’m sorry for saying that you look like a gangster while I was operating you.”
“Is that it? I think you’re not sincere. Shouldn’t you be sincere while apologizing if you did something wrong?” sambit pa niya. Ugh, this man. E ano naman kung isa siyang militar?
“Will you kill me if ever I won’t apologize to you sincerely?” sarkastikong tanong ko sa kaniya. Natawa muli siya saka isinara ang libro na hawak niya. “I really like your attitude. I just want to tell you that I got this...” Itinuro niya ang sugat niya, “...because of a war. I hope that clears your mind about me. Hindi ko gusto ang impresyon mo sa akin matapos kong iligtas ang bansa natin para lamang hindi masakop,” dagdag pa niya.
I want to roll my eyes so badly. Pero hindi ko magawa. I just need to act like as if I care about what he is talking about. He is now bragging about him being a military. Mabuti sana kung may mataas siya na ranggo sa army pero mukha namang normal lamang siyang sundalo. Kung makapag-yabang siya ay akala mo naman talaga kung sinong mataas.
“If you need anything else, you can call the nurses to assist you. My shift ends here now.”
Bahagya akong tumungo sa kaniya at akmang aalis na nang bigla muli siyang nagsalita. “Too bad, your shift will not end here.”
Tumunog ang cell phone ko, sa isang sim card ko may tumatawag. Nakita ko naman na ang head namin ‘yon kaya agad kong sinagot. Tinalikuran ko naman ang lalaki na hindi ko alam ang pangalan. “Yes, Doctor?” tanong ko.
“You will have a double pay salary. Nag-request si Mr. Cameron ng personal assistant habang narito siya at ikaw ang gusto niyang mag-asikaso sa kaniya since ikaw daw ang nag-opera sa sugat niya,” sagot ng head sa akin.
Hindi ko na alam kung may ikukunot pa ba ang noo ko dahil hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi sa akin. What? Ang lalaking ‘to ay nag-request ng personal assistant dito sa hospital? Bakit kailangan pa niya no’n? Artista ba siya o ‘di kaya ay isang presidente? Akala mo naman kung sinong napaka-taas na tao kung umasta. Nilingon ko siya at inosenteng nakangiti lamang siya sa akin. Mukhang alam na niya na sinasabi sa akin ngayon ang request niya. Ito pala ang sinasabi niyang hindi matatapos ang shift ko rito.
“He doesn’t need any assistant, Doc. Inoperahan ko siya kanina nang gising na gising ang diwa niya kahit tinurukan na siya ng anesthesia. Kaya naman niya ang sugat niya,” sagot ko. Masama na ang tingin ko ngayon sa lalaking nasa harap ko. Mr. Cameron? Itinaas pa niya ng kaunti ang suot niyang damit para ipakita sa akin ang sugat niya saka umaakto na akala mo ay nasasaktan.
“Naka-received din ako ng tawag mula sa military na kailangan siyang bantayan at siguraduhin na gagaling talaga ang sugat niya agad. Siya lang ang nag-request na ikaw ang maging bantay niya. Wala raw siyang tiwala sa ibang tao rito sa hospital. For now, bantayan mo siya sa kwarto niya.”
“But I want to rest—“
Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang sumabat si Cameron. “You won’t get tired here. May isang bed pa naman para makahiga ka. All you have to do is to guard me and monitor this,” sabat niya.
Dahil wala naman akong magagawa ay hindi na ako pumalag pa. Akala ko naman ay makakawala na ako sa asungot na ito. Pati ang military mismo ay nag-request pa na bantayan siya rito sa hospital. “Fine.”
Pinatay ko na ang tawag nang sabihin ko ‘yon sa head ko. Umupo ako sa upuan sa harap niya saka tinitigan siya. “Ano ba ang trip mo at ako ang gusto mo na magbantay sa ‘yo?”
“Ikaw lang naman ang kilala ko rito sa hospital kaya bakit pa ako hahanap ng ibang magbabantay sa akin?” Tinaas pa niya ang isang kilay niya nang sabihin niya ‘yon. “Isa pa ay ni-recommend ka rin ng isang kaibigan mo,” dagdag niya. This time ay ang kilay ko naman ang tumaas.
“A friend of mine? And who is that?”
“Lieutenant Emerson. I heard that you guys were close to each other,” sagot niya.
Halos mapamura ako nang marinig ko kung sino ang nag-recommend sa akin. Kilala niya si Presley? Ibig sabihin ay nasa iisang military base lang sila. Mukhang close rin silang dalawa. Hanggang ngayon ba ay may galit sa akin si Presley? Kaya ba ako ang ibinigay niyang pangalan rito sa lalaking ‘to? Gusto niya akong pahirapan ngayon sa pag-aasikaso sa kasamahan niya!