“I am the only solid witness in his case.” Isang pamilyar na boses ang narinig nina Savannah, Gunner, Cannon, Presley, at pati na rin ang Chief Commander sa loob ng korte. Halos kilabutan sila nang marinig ang boses na ‘yon. Mabilis na tinanggal ng lalaki ang kaniyang suot na salamin at sumbrero, saka nakita ang kaniyang itsura. Dahan-dahan siyang lumingon sa kinauupuan ng Chief Commander. Nanlalaki ang mga mata ng matanda nang makita ang lalaki na nasa harapan niya. Halos maubusan siya ng hininga dahil hindi makapaniwala sa kaniyang nakita. Kinusot pa niya ang kaniyang mga mata at saka muling tiningnan ang binata na nasa harapan ng lahat. Bahagyang ngumisi ang lalaki sa kaniya. “What’s with your reaction? Hindi mo ba inaasahan na makikita mo ako ngayon dito?” sambit pa niya sa chief

