[DOCTOR SAVANNAH DESMOND’S P.O.V.] Isang linggo na akong hindi pumapasok sa trabaho. Hindi ko alam kung bakit ganito kalala ang epekto sa akin ng pagkawala ni Hamza. Tatlong buwan pa lang naman kami na magkakilala, pero malalim na rin naman ang mga pinagsamahan naming dalawa. Masyado na akong nahulog sa kaniya noong mga nagdaan na buwan. Siguro dahil ramdam ko ang pagiging totoo ng bawat kinikilos niya kapag nasa paligid ko siya. I admire him for being a good soldier and a responsible captain of Team Bullet. Hindi ko akalain na may mga sundalo na katulad niya ang handang magbuwis ng buhay, hindi lang para sa bansa namin pati na rin sa iba pang mga bansa. Napatitig muli ako sa sulat na iniwan niya para sa akin. Siguro ay panahon na rin para basahin ko kung ano ang mga iniwan niyang mens

