[FIRST LIEUTENANT PRESLEY EMERSON’S P.O.V.] Bakit naman gano’n? Bigla na lang silang nawala sa mundo na ‘to nang hindi namin inaasahan. Ni hindi ko nga alam na umalis pala sila ng bansa. Ang inaakala ko lang ay may pinuntahan sila. Para bang wala muna akong pakialam sa paligid ko nitong mga nakaraan na araw. Gusto kong mapag-isa dahil sa mga naging sagutan namin ni Dad. Kaya naman ay hindi ko muna pinagtuonan ng pansin si Cade. Pero hindi ko naman akalain na ganito na ang mababalitaan ko sa kanila. Kanina ko lang nalaman na may isang misyon sila na pinuntahan at sa bansang Morocco pa. Narinig ko na ang lahat ng report at hindi na rin sila na-contact pa matapos kagabi. Kaya mas lalo akong nag-alala. Tapos nabigla na lang ako na nakabalik na ang Team Bullet dito at hindi na kasama si Cad

