[CAPTAIN HAMZA CAMERON'S P.O.V.] "Ikaw pala ang dahilan kung bakit namatay ang aming pinuno? Nasaan na siya ngayon?! Kailangan mong ibigay sa amin ang kaniyang katawan! Hindi rin makatao ang nagawa ninyo sa aming mga kasamahan. Bakit kailangan niyo pang sunugin ang kanilang katawan?" galit na sambit sa akin ng isang babae. Siguro ay siya ang asawa ng kanilang pinuno. Kakaiba rin ang suot niyang damit ngayon at halos ka-terno 'yon ng damit ng pinuno na napatay ko. "Wala nang katawan na maibibigay sa inyo dahil sunog na ang lahat ng katawan ng mga rebelde na kumalaban sa amin. Kung sana ay nag-isip na lang kayo ng ayos. Hindi sana mangyayari ang ganito at wala sanang mawawala sa inyo kung hindi niyo na kami ginawang kalabanin. Kung hindi kayo nagawang matulungan ng gobyerno, sana ay kami

