[CAPTAIN HAMZA CAMERON’S P.O.V.] Mabilis kaming nakabalik sa abandonadong gusali. Dumeretso naman ako sa mga computers na nagmo-monitor ng mga footages sa CCTVs sa lugar. “Sigurado ka ba na fifty na tao lang ang nasa loob n’yan?” tanong ko. Tumango naman siya sa akin. Sinenyasan ko naman ang tatlong mga kasamahan namin na lumapit sa pwesto ko. “Isa ba ‘to sa mga kuta ng mga kalaban natin?” tanong ko sa kanila saka itinuro ang nasa screen. “Oo, pero hindi ‘yan ang main nila. Ituturo namin sa inyo kung ano-ano ang mga lugar na kinalalagyan ng mga kalaban natin.” “Sila na ba ang mga natira nating kasamahan dito sa Morocco na hindi nalaman kung buhay pa o hindi?” singit naman ng isang tauhan ko. “Oo, mabuti na lang at nahanap ko sila. Wala na ring iba pang mga tauhan natin na natitirang

