[CAPTAIN HAMZA CAMERON’S P.O.V.] Nang makalapit na ang mga kalaban sa mga kasamahan ko na nakahiga sa sahig ay agad silang pinagbabaril ng mga tauhan ko. Hindi nila inaasahan ‘yon dahil inaakala nila na patay na ang mga ito. Mabilis ba tumayo ang mga tauhan ko at pinagbabaril din ang mga kalaban na malapit sa kanila. Tumayo naman na kami at umalis sa mga pinagtataguan namin saka binaril din ang mga kalaban na nasa labas. Mas marami at mas malalakas ang mga armas na gamit nila kumpara sa mga gamit namin ngayon. Pero hindi naging hadlang ‘yon para mas lumamang na kami kaysa sa kalaban. Napuno naman ng ingay sa buong paligid dahil sa mga putok ng mga baril namin. “Go to the back!” utos ko sa mga tauhan ko. Tumakbo na sila papunta sa likuran ng mga kalaban. Nakapalibot na kasi ang mga it

