[CAPTAIN HAMZA CAMERON’S P.O.V.] “Isa na lang na lugar ang kailangan natin na tapusin. ‘Yon na ang huling lugar na pupuntahan natin at ‘yon na lang din ang lugar na kailangang kalabanin. Handa na ba kayo?” tanong ko sa mga tauhan ko. Umabot na rin ng gabi at madilim na sa paligid. Hindi na namin namalayan pa ang oras at nagulat na lang kami na madilim na sa paligid. Buong araw na kaming nakikipaglaban. Wala na kaming pakialam pa kung punong-puno na ng dugo ang aming mga damit, o ‘di kaya ay sir-sira na. Kung ano man ang itsura namin ngayon ay wala na kaming pakialam pa. Napansin ko rin na nanghihina na ang iba kong mga kasamahan. Nilingon ko naman ang tatlong kasamahan ko na nadestino rito sa Morocco. “Nanghihina na ang ilan sa mga kasamahan natin. Ang iba rin ay may mga sugat nang n

