[CAPTAIN HAMZA CAMERON’S P.O.V.] “Ano na ang balak mo ngayong gawin laban sa vice president ng bansang ito? Mahirap kalabanin ‘yon lalo na at hindi naman natin ito lugar. May mataas siyang katayuan sa bansa na ‘to. Hindi natin alam kung sino pa ba ang mga tauhan niya at mga tumutulong sa kaniya na gumawa ng mga krimen sa bansa na ‘to. Hindi natin gamay ang US, Captain Cameron. Mas marami pa ang mga kalaban natin dito at hindi natin alam na umaaligid sila sa atin. Kailangan mong mag-isip at magdesisyon ng ayos para hindi magkamali at hindi mapahamak ang mga kasamahan natin,” sambit sa akin ni Presley. Napabuntong-hininga naman ako dahil sa dami ng mga iniisip ko ngayon. Wala pa ako masiyadong plano na nagagawa sa ngayon. Hindi ko rin alam kung paano ba ako magsisimula. Ayoko rin naman n

