[MAJOR CADE SAWYER’S P.O.V.] Akala mo naman ay magkasintahan sina Hamza at Doctor Desmond kung mag-away sila kanina. Iyon ang unang beses na nakita ko siyang may kasagutan na isang babae. Hindi ko akalain na magpapaliwanag pa siya kay Doctor Desmond. Mukhang tinamaan talaga si Hamza sa doktor na ‘yon. Ang bilis pa niya na mag-alala sa kaniya noong sinabi ko kung saan nagpunta si Doctor Desmond. Nagkunwari pa siya sa akin na wala siyang pakialam, ngunit hindi rin niya maitatago. “Ang sarap din palang asarin ni Captain paminsan-minsan,” kumento ni Cannon. Naglalakad na kami ngayon pabalik sa training grounds. Malapit na ring dumilim kaya naman ay kailangan na naming maghanda ng makakain ng medical team. Lalo na at bago pa lang sila rito kaya kailangan muna namin silang pagsilbihan. Ayos

