[MAJOR CADE SAWYER’S P.O.V.] Hindi ko alam kung ano-ano ang mga dapat kong maramdaman noong nakita kong maayos at walang sugat si Presley. Habang papalapit kami sa kinaroroonan nila, sobrang daming mga negatibong bagay ang tumatakbo sa isipan ko. Ni hindi ko mapigilan na mag-isip kahit na pilitin ko ang sarili ko na alisin ang mga ‘yon sa utak ko. Pero nawala ang lahat ng mga negatibo kong naiisip nang makitang maayos lang si Presley. Nakahinga ako ng maluwag at nabunutan ng tinik sa dibdib matapos makumpirma na ayos lang siya. Kaya naman ay hindi ko na rin napigilan ang sarili ko na lapitan at yakapin siya ng mahigpit. Akala ko talaga ay mawawala na siya sa akin ng tuluyan. Akala ko hindi ko na muli siya makikita na maayos at buhay. Akala ko ‘di ko na muli siya makakausap at mayayakap

