[FIRST LIEUTENANT PRESLEY EMERSON’S P.O.V.] Sobra ang pagkapahiya na nararamdaman ko ngayon. Ni hindi ko magawang lumingon sa paligid ko, dahil alam kong may mga matang nakatingin sa akin. Matapos akong sampalin ng aking ama, pakiramdam ko ay namanhid ang pisngi ko. Pero mas lamang pa rin ang pagkapahiya na nararamdaman ko kaysa sa sakit ng sampal niya sa akin. Lalo na at alam kong nasa likuran ko lang si Cade sa mga oras na ito. Ano na kaya ang iniisip sa akin ng mga tao ngayon? Nakita nila na sinampal ako ng isang chief commander. Siguro ang iba ay hindi alam na anak niya ako, tapos ang iba naman ay alam ang relasyon naming dalawa. Nakasuot pa man din ako ng uniporme ko ngayon. Pero nasampal lang ang isang tulad ko. Hindi ko magawang manahimik na lang kaya naman lakas loob kong sinag

