[DOCTOR SAVANNAH DESMOND’S P.O.V.] “Lilipat na naman tayo ng istasyon. Dalawang buwan na rin pala tayong nagtatrabaho bilang military doctor, ‘no? Ang bilis talaga ng panahon. Sa dalawang buwan din na nakalipas ay ang dami na agad na nangyari. Pero mabuti naman at hanggang ngayon ay buhay pa rin tayo at walang nangyaring masama sa atin,” rinig ko na sambit ni Trisha. “Wala namang mangyayaring masama sa atin dahil protektado tayo ng lahat ng mga sundalo na narito. Ang sabi naman ng head doctor natin ay maaari na tayong bumalik kapag tapos na ang tatlong buwan na serbisyo natin dito,” sagot naman ni Doctor Ramos. “Gusto ko na rin talaga na bumalik sa ER. Miss ko na masiyado ang amoy ng ospital. Mas panatag pa ang loob ko kapag nagliligtas ako ng buhay ng mga tao, kaysa ako ang inililig

