[DOCTOR SAVANNAH DESMOND’S P.O.V.] Naalala ko na may nasabi nga pala ako kay Hamza. Mukhang nagulat siya sa sinabi ko at hindi niya ‘yon inaasahan. “Totoo ba talaga na may pag-asa ako sa ‘yo? Pero ayos lang din naman sa akin kung pinapaasa mo lang ako. Basta gagawin ko ang lahat at ipapakita ko sa ‘yo na tunay ang nararamdaman ko para sa ‘yo. Sana lang hindi mo maramdaman na masiyado akong mabilis,” nahihiyang sambit pa niya sa akin. Hindi ko na rin naman magawang mabawi ang nasabi ko sa kaniya. Pero sa sarili ko, alam kong wala rin naman akong balak na bawiin pa ‘yon. Lalo na at ‘yon din naman ang nararamdaman ko. Gusto ko siyang bigyan ng tiyansa para maipakita sa akin kung paano niya ako mapapa-ibig sa kaniya. Oh s**t, Savannah. Cringe sa mga naiisip mo ngayon. It’s so not like yo

