[MAJOR CADE SAWYER'S P.O.V.] Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko nang marinig ko na magkasama ngayon si Hamza at Presley. Parehas silang wala rito kaya malaki talaga ang posibilidad na magkasama sila. Tumatak na rin sa isipan ko na baka totoo ang sinabi ni Gunner. Baka nga inaasikaso na nilang dalawa ang kanilang nalalapit na kasal. Hindi ko talaga alam kung ano ang maaari kong maramdaman. Tila ba nakalimutan kong saglit na matalik kong kaibigan si Hamza. Ngunit nawala lang din ang iniisip ko nang marinig namin na tumunog ang cell phone ni Doctor Desmond. Nakuha niya ang atensyon namin. Umaasa kami na si Hamza na ang tumatawag sa kaniya ngayon. May mahalaga pa siya na kailangang malaman. Panigurado na wala pang balita si Hamza tungkol doon. Lalo na at wala pa siya rito ngayon. N

