[CAPTAIN CAMERON’S P.O.V.] “Duck your heads!” agad na sigaw ko. Narinig namin ang malalakas na putukan mula sa labas. Hindi namin inaasahan na may mga tauhan pa pala ng US armies ang nakaabang sa labas. “Keep the president safe!” utos ko kina Cade. Mabilis silang sumunod sa akin at pinrotektahan ang presidente. Lumabas ako at nakita ang ilang mga sniper sa taas at sa amin nakatutok. “Sniper, get alert! There are snipers surrounding us right now!” sigaw ko sa radio transmitter. “Copy, Captain.” Mabilis kaming lumabas mula sa underground dahil wala nang iba pang lalabasan doon. Sunod-sunod ang mga paputok sa banda namin ngunit ang mga tauhan ko ay hindi kami pinapabayaan. May mga sumugod sa amin ngunit agad ko nang nailabas ang dalawang baril ko at pinaputukan sila. Mabilis na naisak

