[DOCTOR SAVANNAH DESMOND'S P.O.V.] Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko nang makita ko ang kalagayan ni Cameron noong nakaraan. Sobra ang takot at kaba na nararamdaman ko ng araw na makita kong duguan. Nahirapan pa nga akong tanggalin ang bala sa loob ng katawan niya noong inooperahan ko siya. Nagkaroon ng kaunting infection sa katawan niya dahil sa dumi ng kamay niya at inilagay niya sa kaniyang sugat. Halos mataranta ako sa pag-oopera ng mga oras na 'yon dahil hindi ko inaasahan na magkakaroon ng infection sa sugat niya. Ngunit laking tuwa ko naman ngayon nang makita kong gising na siya at ayos na. Kailangan na lang niya na magpalakas ng ilang araw para makaya na ulit niyang kumilos. Sa ngayon ay fresh pa rin ang sugat niya at hindi pa humihilom. Kailangan ko pa rin na turukan

