Kabanata 01

574 Words
Sa isang Liblib na Lugar Parteng Kabisayaan ay may nakatirang mag iina na sina Cora at ang dalawang Kambal nyang anak na sina Rudy at Randy, Ang mag iinang ito ay nakatira lamang sa isang gubat at kataka takang wala silang kapitbahay. Masaya ang mag iina sa kanilang pamumuhay sa gubat na iyon, At isang gabi habang kabilugan ng buwan ay napansin nila Rudy at ni Randy ang kanilang ina na biglang lumabas ng kanilang tinitirahan na kubo at sinundan nila ito ng palihim. At laking gulat ng dalawang bata noong nakita nilang biglang sinakmal ni Cora ang isang baboy Ramo na nahuli nya noong oras na iyon. Takang taka ang mga bata sa nakita nila, na nilalantakan ni Cora ang isang buhay at iyak ng iyak na baboy, hanggang sa napansin ni Cora ang dalawa nyang anak na nakatingin sa kanya. Humaribas sa pag takbo ang dalawang bata at takot na takot ang mga ito sa nakita nila, hanggang sa biglang lumitaw sa harapan nila ang kanilang ina na mabilis na tumakbo at hinabol sila. Kitang kita ng dalawang bata ang ina nila na may dugo pa sa mga labi at nanlilisik ang mga mata, habang umiiyak ang dalawang bata sa takot ay biglang lumapit si Cora sa kanila at kahit na nanlilisik ang mga mata ay lumuluha ito. "Pasensya na mga anak... pero darating ang araw at malalaman nyo rin kung ano ang tunay nyong katauhan." wika ni Cora Habang gulong g**o ang dalawang bata sa nalaman nila ay inuwi na sila ni Cora sa kanilang bahay, at pag gising ng umaga ay ipinaliwanag ni Cora ng maayos sa kambal ang kanilang tunay na kataohan. "Nasa tamang edad na kayo mga anak, at dapat nyo nang malaman kung ano talaga tayo.. Galing ako sa lahi ng mga aswang, ngunit hindi ako kumakain ng tao, hindi ako katulad ng mga kapatid ko at ng aking ama, noong bata pa lang ako ay nakipag kaibigan ako sa nga tao na kapitbahay lang namin noon at hindi nila alam na ang pamilya ko ang aswang sa lugar namin na iyon. Lagi akong pinipigilan ng aking mga magulang na makipag kapwatao, ngunit mapilit ako... hanggang sa nagdalaga na ako at naging kasintahan ko si Ramon... ang inyong ama. Nagbunga ang pagmamahalan namin ng inyong ama at kayo yun mga anak, hanggang sa nalaman ng mga taga sa amin na kami pala ang lahi ng aswang na kumikitil at kumakain ng mga tao doon sa amin. Tumakas kami nang pamilya ko at sumama rin si Ramon dahil alam nyang nagdadalang tao ako, noong malaman ng aking ama na buntis ako, ay pinaslang nya si Ramon at balak nyang paslangin ang aking nasa sinapupunan dahil anak daw kayo ng mortal. Ngunit tumakas ako sa knila at nanirahan dito sa liblib na lugar na ito, hanggang ngayon ay hindi parin ako natatagpuan ng aking pamilya.. ngunit hindi pa rin nawawala ang pagiging aswang ko, kaya naman kapag sumasapit ang kabilugan ng buwan ay lumalayo na ako sa inyo, upang hindi ko kayo masaktan." At naintindihan naman ito ng kalbal, ngunit isang araw ay nagpakita si Randy ng hindi normal sa isang tao.. Noong makita nya ang puno ng mangga na may bunga ay nagulat nalang silang mag iina noong biglang tinalunan ni Randy ang napaka taas na bunga ng manga.. Hindi maipinta ang mukha ni Cora at napaisip nga ito at natakot, na baka matulad sa kanya si Randy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD