At nangyari nga ang kinatatakutan
ni Cora, noong biglang naging isang
mabangis na hayop si Randy
noong sumapit ang kabilugan
ng buwan..
Habang nasa ganong kaanyuan
si Randy ay naamoy nya si
Rudy at takam na takam ito
sa amoy ng sariwang
laman ng kanyang kakambal.
At nang tangkaing lusubin
ng aswang na si Randy ang
kambal nya ay dali daling
tumakbo si Cora para yakapin
si Randy papalayo kay Rudy.
Si Rudy naman ay napapaisip kung
bakit sya ay walang ganung kakayahan
hanggang sa biglang may
dumating na isa pang
aswang, na naka anyong
Lobo ang bilang nagpakita sa
harapan nila Cora, at natulala
nalang si Cora noong malaman
nyang ang kanyang panganay
na kapatid na si Santi ang
nandoon.
"Paano mo kami nahanap?"
Kinakabahan na tanong
ni Cora
"Sino ba naman ang hindi
makakasagap ng ganoong kalakas
na awra ng isang aswang..
isang bagong sibol na aswang
ang nandito (sabay tingin kay
Randy)"
wika ni Santi
"Wag mong gagalawin ang
mga anak ko... kahit patayin
mo pa ko ay hindi mo sila
magagalaw!" wika
ni Cora
"ahh.. ganun ba?
edi patayin..."
sagot ni Santi sabay
pagtusok sa dibdib ni
Cora para durugin ang
puso nito, dahilan ng unti
unting pagbawi ng buhay
ni Cora..
"Rudy! tumakbo ka na!"
wika ni Cora habang
naghihingalo at niyakap nya
si Santi para makalayo si Rudy
hanggang sa tumakbo nalanh
si Rudy na takot na takot.
Nagpupumiglas si Santi sa pagkakayakap
ni Cora sa kanya, hanggang sa
nalagutan na ng hininga si Cora
at si Santi naman ay hinayaan
nalang na makatakas si Rudy
at binitbit nya si Randy para
isama sa kanya.
Si Rudy ay napadpad sa kung saan
at ss di kalayuan ay may nakita
syang usang kubo..
Agad agad syang pumasok sa loob
ng bakuran para manghingi ng makakain
at maiinom, dahil halos isang araw na
syang naglalakad sa gubat.
Habang tumatawag si Rudy ay
biglang may kumalabit sa kanyang
likuran, Si Primo, isang matandang lalaki
at tinanong sya...
"anong maipaglilingkod ko sayo
iho?"
"Nagugutom po ako... baka po
meron kayong pagkain dyan."
wika ni Rudy
At pinapasok na nga ni Primo
sa loob ng bahay nya para
pakainin, wala nang kasama sa
bahay si Primo kaya naman
inalok nya si Rudy na doon nalang
tumira sa kanyang bahay, matapos
maikwento ni Rudy na
wala na syang mauuwian dahil
nilusob sila ng isang asong malaki.
(yun ang tawag nya kay Santi)
Naniwala naman si Primo sa kanyang kwento, at hinayaan munang matulog
ang bata, pinagsilbihan ni Primo
si Rudy at itinuring ng isang
kadugo..
Kinabukasan, habang maghahanap
na ng makakain si Primo ay
isinama nya si Rudy, habang nangingisda
sila sa ilog ay biglang may isang
malakas na agos ang papunta sa
dalawa, at laking gulat ni
Primo noong biglang tumigil ang
malakad na pag agos noong
sumigaw si Rudy.
Doon nalaman ni Primo na
hindi basta bastang bata lamang
si Rudy, ngunit inalagaan nya
pa rin ito at tinuruan ng
mga self defence para mas lalong
mapalakas ang kanyang katangian.
Hanggang sa nagbinata na si
Rudy at lumaki itong mabait
at nauutusan na sya
ni Primo na magbenta ng
mga uling sa bayan...
Marunong din makipag
kapwa tao, itong Rudy
sa katunayan nga ay lahat
ng tao sa palengke ay kabiruan
nya, at hindi sya naging isang
pasaway na kabataan.
Isang araw, natagalan si Rudy
sa kanyang pagbebenta sa bayan
ng mga uling nilang paninda
at pag uwi nya ay malapit ng lumubog
ang araw, dahilan kung bakit
inabutan sya ng dilim sa
paglalakad dahil malayo
ang kanilang tinitirahan
sa bayan.
Malayo pa lamang si Rudy
ay naamoy na nya agad ang
isang masangsang na amoy, at
alam nyang amoy iyon ng
dugo, ngunit hindi nya alam
kung saan nanggagaling ang
amoy, habang papalapit sya
sa kanilang tinitirhan
ay lalo lumalakas ang
amoy ng dugo.
Dito na nakita ni Rudy na
kinakain ng isang malaking
aso si Primo, at wala na
itong buhay...
Ngunit imbis na matakot
ay kumuha agad sya ng itak
upang saksakin ang aswang
na ito, matapang na nilabanan
ni Rudy ang aswang, hanggang sa
mas mabilis at mas malakas si
Rudy sa Aswang na ito.
Gulat na gulat naman ang isang
aswang sa nakita nyang katangian
nu Rudy " Hindi ka normal! sino
ka?" natatakot na tanong
ng aswang kay Rudy
"MGA WALA KAYONG PUSO!"
wika ni Rudy at biglang
sinaksak ang aswang sa puso
dahilan ng pagkamatay ng aswang
at bigla na itong naglaho
at naging abo.
Iyak naman ng iyak si Rudy
dahil sa pagkawala ni Primo..
Mula noon ay nangako na si Rudy
na lahat ng aswang na
makikita nya ay papaslangin nya..