Kabanata 03

862 Words
Agad naman lumisan si Rudy sa bahay na iyon, at naglakbay sa kung saan saan, upang huntingin ang mga lahi ng aswang.. Alam ni Rudy na ang ina lang nya ang aswang na hindi kumakain ng tao, kaya naman sa pagkawala ng ina nya ay nasabi na nyang wala nang aswang na hindi kumakain ng tao.. Nagpapaisip din ito minsan kung nasaan na ang kanyang kambal, ngunit alam nyang naginh aswang na rin ito kaya naman kapag nakita nya ito ay papaslangin nya. Sa di kalayuan ay may isang bayan na natagpuan si Rudy, maraming tao sa bayan na ito, at duon nya nakilala si Ella, magandang babae at dalaga pa.. Mabait si ella at may pwesto sa palengke ang mga magulang nito, dito naman nya ipinasok si Rudy upang maging isang kargador ng gulay... Walang arte sa katawan si Ella kahit na madungis si Rudy ay lagi nya pa rin itong kinakausap.. Hanggang isang araw, may tatlong siga sa bayan na iyon ang nagpunta sa palengke at nagtataka si Rudy kung bakit lahat ng nagtitinda sa palengke ay hinihingian ng pera ng tatlong siga. "Bakit sila naghihingi ng pera sa mga tao?" tanong ni Rudy kay Ella "Mga siga dito yan.. ang mga pumapalag sa mga yan ay binubugbog nila, kaya naman walang balak na lumaban ni isa dito sa palengke" sagot ni Ella At nagulat nga si Ella noong biglang humarang si Rudy sa harapan ng tatlong lalaki "Anlalaki naman ng mga katawan nyo, bakit di kayo magtrabaho?" wika ni rudy sa tatlong siga "Sino ka ba? baka di mo kami nakikilala?" sagot ng isang siga "turuan ng leksyon yang pakialamero na yan" utos ng isang siga At noong lusubin na nila si Rudy at gulat na gulat ang mga nakasaksi noong tig iisang suntok lang ang mga ito hanggang sa tumakbo nalang ang kanilang leader sa nakita nya.. Nang dahil nga kay Rudy ay hindi na bumalik pa ang tatlong iyon, kaya naman lahat ng tao sa palengke ay naging saludo sa kanyang katapangan at walang kasing lakas. Maging si Ella ay lalong nagustuhan si Rudy, dahilan nang kanilang pagkakamabutihan hanggang ss humantong na sila sa pagiging magkasintahan... Isang gabi, may narinig na kakaibang huni ang mga tao at sa di kalayuan ay may mga taong sumisigaw at tila may nangyayaring kakaiba. At nang tinunton nga nila kung saan nagmula ang hiyawan ay bumungad sa kanila ang mga katawan ng tao, na hiwahiwalay na at tila ba kinuha ang mga laman loob nito. Nang dahil doon ay mas lalong nag inggat sila Ella... "May lumulusob sa bayan natin at kailangan natin masupil ito" Wika ng tatay ni ella Noong kinabukasan hating gabi ay meron nanaman silang nakitang bangkay na tila ba wala ring laman loob.. Dito na mas lalong naalerto ang mga tao sa bayan na iyon. "Kailangan nating magsama sama para labanan ang Aswang" wika ni Rudy "Paano mo nalamang aswang iyon?" Tanong ng mga tao kay Rudy "Sa totoo lang... sinalakay din kami sa dati naming tinitirhan... kaya naman kung saan saan ako napadpad" sagot ni Rudy "Kung ganon... ano ang dapat nating gawin?" tanong ng tatay ni Ella "Kailangan lang natin magsama sama at tugusin ang aswang, mas mainam kung tutugisin natin sila kapag hindi bilog ang buwan, dahil kapag bilog ang buwan ay nagiging doble o higit pa ang kanilang lakas at bilis" sagot ni Rudy Nagtataka ang mga tao kung bakit tila madaming alam si Rudy tungkol sa mga aswang... Hanggang sa biglang may naamoy si Rudy... At alam nyang may paparating sa kanila... Biglang may kumalabog sa bubungan ng bahay na kanilang pinag pupulungan. At nagulat sila noong biglang tumalon ang dalawang wangis na tao ngunit kakaiba ang kulay nito, matutulis ang kuko at nanlilisik ang mga mata.. Takot na takot ang lahat maliban kay Rudy, agad agad na humanap si Rudy ng isang patalim, at matapang na hinarap ang dalawang aswang. "Napaka tapang mo naman iho at mag isa ka lang na lalaban sa amin?" wika ng isang aswang "UUBUSIN KO ANG LAHI NYO!" sigaw ni Rudy At nauna ngang lumusob ang dalawang aswang papalapit kay Rudy nang biglang naiwasan ni Rudy ang kanilang pag atake at mas mabilis itong kumilos sa dalawang aswang. "Anong klaseng nilalang ka? bakit ang bilis mong kumilos?" wika ng isang aswang At dahil nga doon ay biglang nagtungo ang isang aswang kay Ella, at sinaksak nya ito ng kanyang matutulis na mga kuko.. Walang nagawa si Rudy kundi ang magalit, at nang dahil sa nakita nya ay tila nag iba ang kanyang kulay.. Biglang namula ang mga mata ni Rudy at humaba ang kanyang tainga.. "Uubusin ko kayo.." wikang lumalabas sa bagong anyong Rudy Ang dalawang aswang ay biglang nakaramdan ng takot, hanggang sa sabay silang sinakal ng galit na galit na si Rudy at pinutulan sila ng ulo.. Ganoon kalakas ang bagong anyong Rudy, ngunit itinakwil sya ng mga tao sa bayan dahil alam nilang hindi normal na tao si Rudy. Kahit na ang mga magulang ni Ella ay si Rudy ang sinisisi sa pagkamatay ni Ella dahil sya daw ang dahilan kung bakit lahat ng bayan na pinupuntahan nya ay linulusob ng mga aswang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD