♥ THIRTY EIGHT ♥ IRENE Halos kakatapos ko lamang bihisan si Gray nang magpaalam si Baron na uuwi na muna ng Astrid. Aaminin kong bahagya akong nalungkot. Coming home to Astrid means coming home to Tina. Kahit na anong tago ko, kahit anong pigil ko, nagseselos ako. Dinampian niya ng halik ang aking noo bago siya humalik sa pisngi ni Gray. Nang makita ko kung paanong iniwas ng anak namin ang kanyang ulo, nasaktan ako para kay Baron. Mahina na lamang niyang ginulo ang buhok nito saka niya kinausap. "Would you like me to buy you a new toy tomorrow?" Malumanay niyang tanong. Iniling ni Gray ang kanyang ulo bago kinusot ang kanyang mata. "I want Dada G." Nagtatampo nitong sabi. Hindi nakakibo si Baron ngunit gumuhit ang matinding lungkot sa mga mata niya. Hinawakan ko ang kanyang kamay sak

