♥ THIRTY NINE ♥ IRENE Hindi ko nagawang sabihin kay Baron na nakita ko si Tina sa kabilang dulo ng parking lot. I remain stunned, trying my best to calm myself. Ayaw ko mang sa ganitong paraan na ito malaman, wala na akong magagawa. "Uuwi ako ng Astrid saka ako pupunta ng Crescent. Baka may maitulong sina Alpha Pierre para matukoy kung sino si Gimeno. Kailangan nating malaman kung anong nangyayari sayo." Ani Baron na nagpabalik sa kanya sa atensyon ko. Hinawi ko ang ilang hibla ng aking buhok. "S-Sige. Mag-iingat k-ka." I mumbled. Baron's brows furrowed. "What's wrong?" Pinilit kong ngumiti saka ko iniling ang aking ulo. "Wala. Pagod lang ako. Sige na, kailangan mo na ring magpahinga." Untag kong halos ipagtulakan na siya patungo sa loob ng sasakyan. Nang makapasok na siya'y sinil

