♥ THIRTY FIVE ♥ IRENE The wind blew colder tonight...or is it just me who's missing your warm touch? Siguro nga. Baka nga namimiss ko lang talaga ang lahat. Mula nang mangyari ang eksenang iyon sa bahay, naging mas ilag na si Baron sa akin. Sa tuwing dadalaw siya kay Gray, palagi na niyang kasama si Tina. Kapag nakikita niyang nakatingin ako sa kanya, agad niyang aakbayan o 'di kaya'y tititigan si Tina na tila sinasabi niya sa aking dito na nakasentro ang mundo niya. Kumurap ako at pinili na lang iiwas ang aking tingin nang makita kung paanong hinilig ni Baron ang ulo ni Tina sa balikat niya. Gray is already asleep but Ti insisted to stay with Baron. Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa gilid ng kama para ligpitin ang mga laruang ginamit ni Gray kanina. Sa gilid ng aking mata, kitang-ki

