♥ THIRTY FOUR ♥ IRENE Makailang beses akong napahikab habang tinitignan ang mga resulta ng tests na ibinigay ng physician ni Gray. Halos isang linggo na kami rito at awa ng Diyos, kahit papaano naman ay umayos na ang lagay ng anak ko. Baron shouldered all the expenses. Madalas siyang magbantay kay Gray kaya kahit paano, unti-unti na niyang nakukuha ang loob ng mga bata. Si Crayson ang madalas niyang kausap dahil napakadaldal talaga ng batang iyon ngunit si Gray, medyo ilag pa ito sa kanya. Masyadong napalapit si Grayson kay Dada Gideon nila kaya siguro sa tuwing nirerequest ni Baron na tawagin siya ni Gray na Dada ay umiiling ito. Matapos kong makuha ang mga gamot na ipinabili ng doktor, bumalik na ako sa kwarto ni Gray. Doon ay naabutan ko ang isang hindi magandang eksena. Grayso

