♥ THIRTY ♥ IRENE Unti-unting dumilim ang ekspresyong nakaguhit sa mukha ni Baron. Bumaba sa akin ang titg niyang tila nagtatanong kung totoo ang sinabing iyon ni Gideon. Hindi ko nagawang kumibo. Nang makita kong paparating si Tina na halatang nagtataka, pinili ko na lamang itikom ang bibig ko. Maayos na ang relasyon nila. Kay Baron na nanggaling. Sa oras na magpakita na si Tina ng senyales na o-oo ito sa alok niyang kasal ay siguradong yayayain na niya ito. I don't want to ruin Baron one more time. I can't watch him fall apart once again. I deserve all the pain he wanted me to feel but who am I to make him feel the same? Ako ang may kasalanan kung bakit nasa bisig na siya ngayon ng iba. Ako ang nag-let go, hindi siya. Ako ang nanakit, hindi siya. At kung alam sana niya kung gaano k

