Thamara "GOOD morning!" Ang nakangiting Simon ang bumungad sa 'kin pagkagising ko. Nakakahanga talaga ang kulay asul niyang mga mata, minsan lang din kasi ako nakakatagpo ng taong may kakaibang kulay ng mata. "Good morning," balik kong bati sa kaniya at mabilis ngunit maingat akong bumangon. "Pasensya ka na, natagalan ako ng gising, anong oras na ba?" nahihiya kong tanong. "It's okay, I understand. Actually, maaga pa. Pinuntahan lang kita dito para kamustahin ka. Magluluto rin ako ng breakfast eh." "Sasama ako. Tulungan na kita," sabi ko habang inaayos ko ang hinigaan kong kama. Hindi naman siya umangal kaya sabay na kaming bumaba sa kusina, ewan ko ba, parang napakagaan ng loob ko kay Simon. Kahit hindi kami lubusang magkakilala, komportable ako sa kaniya, pakiramdam ko ay sobrang sa

