Thamara PARA akong asong kalye na walang direksiyon ang mga paa, panay lang ang paglalakad ko habang lumilinga-linga at naghahanap ng matutulugan. Wala akong kahit piso man lang sa bulsa, wala akong ibang dala kundi sarili ko at ang damit na suot ko, wala akong mapuntahan at hindi ko alam kung paano gagalaw na wala man lang kapera-pera. Pakiramdam ko ay namamanhid na ang buong katawan ko, nanlalamig na dahil kanina pa ako umiiyak at palalim na nang palalim ang gabi. Gusto kong tawagan si Thalia at Oliver ngunit pati cellphone ko ay naiwanan ko sa condo. Malalalim akong napabuntong-hininga nang makakita ako ng bench, pagod akong naupo at marahan kong hinilot ang namamanhid ko nang mga binti. Pinunasan ko ang luha ko habang lumilinga ako, nagbabakasakaling makakita ng kakilalang pwede k

