Thamara "GOOD morning, mga anak," masaya kong bati sa mga anak ko. "Gutom na ba kayo?" Ngingiti-ngiti akong lumapit sa mesa kung saan naroon ang gatas nila. "Bukas magti-three months na pala ang mga baby ko, excited na si Mama," nakangiti kong sabi habang nagtitimpla ng kanilang gatas. Tanghali na ngunit kagigising ko pa lang, wala akong maayos na tulog kaaalaga sa mga anak ko pero gustong-gusto ko ang ginagawa ko, ito ang pagod na napakasarap sa pakiramdam. Agad akong nataranta nang biglang umiyak si Ayesha, ang isa sa mga kambal. Halos hindi na ako magkandaugaga sa pagmamadali ng pagtitimpla. "Sandali lang, Baby, nagtitimpla pa si Mama—" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang sumabay na rin si Aiden sa pag-iyak. "Saglit lang, mga anak. Sorry, malapit na, kaunti na lang," banaya

