Friend of Mine
“Baby girl! Baby girl!” sigaw ni Yaya Medy mula sa labas ng pinto ng kwarto ni Maricar. Sa likod nito ay ang dalawang fashion designer at stylist na tila nakikiramdam kung lalabas ang tinatawag sa loob ng kwarto.
Lumayo si Yaya Medy sa pinto at nag dial sa cellphone nito. Nagliwanag ang mukha ng may sumagot sa kabilang linya.
Sunod-sunod na pag-ring ng cellphone ang nagpagising kay Maricar. Half awake na sinagot ni Maricar ang tawag, isang videocall mula kay Lyra ang kanyang best friend. Nang pindutin nya ang green button para sagutin, muling pumikit at inabangan na magsalita ang kaibigan.
Nang hindi ito nagsalita, napamulat si Maricar upang tingnan ang screen ng cellphone. Laking gulat nya na makita ang kambal ni Lyra na si Miguel.
“Hey there princess.” basag nito sa katahimikan.
“Hi M-miguel. Where’s Lyra?” naiilang na sagot nito. Pasimple na isinuklay ang mga daliri sa buhok. Magtatanghali na ay di pa rin bumabangon si Maricar.
“Well, she’s right here. Ginamit ko ang phone nya dahil it seems na seen mode or ini-ignore mo lang ang mga tawag ko. And I haven’t seen you in two weeks. Iniiwasan mo ba ko?” mahabang tirada nito.
“No… bakit naman kita iiwasan. A-nd I’m not ignoring your calls, busy lang talaga ako nitong last few days.” pag-iwas ni Maricar.
“Care, wag ka na gumawa ng excuse. I can feel may tinatago ka sa akin at iniiwasan mo ako.” May hinampo na turan ng lalaki na tinawag pa si Maricar sa pet nito sa kaniya. “Yaya Meding was just talking to Lyra, bakit ayaw mo raw um-attend ng prom?”
“I’m not feeling well, hindi ako makakapunta.” Pagbibigay nito ng excuse.
“Sis, what? Anong nangyari sa’yo?” Biglang sumali na sa usapan si Lyra. Nasa screen na ang dalawang kambal.
Nakakaramdam man ng guilt sa pagsisinungaling sa kaniyang best friends, hindi nito masabi ang tunay na dahilan kung bakit ayaw niya mag-prom.
Magkaklase silang tatlo sa pinaka premyadong international school sa Pilipinas. Bagaman mas bata ng isang taon si Maricar sa dalawa, napasama na sya sa mga ito nang magsimula na silang mag-aral. Si Maricar ang top student sa kanilang batch.. Hindi ito mahilig sa ganitong mga school events. Sa academic activities palaging active si Maricar. Kadalasan ay nerd ang tawag dito ng mga kaklase na iba’t iba ang lahi.
“Anong nararamdaman mo, bakit nakahiga ka pa? May sakit ka raw?” Si Miguel naman ngayon ang may pag-aalala. Nagsimula na itong lumakad na papunta sa gate ng bahay ng mga ito base sa nakikita sa screen. Iniabot pa nito ang cellphone kay Lyra. Makikitang binibigyan nito ng secret sign si Maricar.
Nang sa lilingon si Miguel ay binago ang facial expression sa pag-aalala muli at sinabing, “Diba nagpa-check up ka na kahapon? Nakainom ka na ba ng meds mo?”
Kunot noo si Miguel na papasok na sa kotse nito at napahinto. Lumingon sa kapatid. “You knew about her being sick? And nobody cared to tell me?”
“Uhmm… yeah kanina lang when I woke up. I was about to tell you when Yaya Medy called.” Pagtatakip pa nito.
Maririnig ang boses ni Maricar. “I’m okay, I’m totally fine.”
Bumalik sa tabi ng kambal si Miguel. “So ano ba talaga, are you okay or not? I’m going there.”
“No! I’m okay!” Umupo na si Maricar mula sa pagkakahiga nito kanina lang. “Ayan o, okay na ako. Really…”
“So you can attend the prom?”
“Not that okay… to attend the prom. But I’m better. No cause for worry.” Nagmamadaling sagot nito.
“Care, bata pa lang tayo pinagplanuhan na natin itong prom natin. We should all be there.” Pagpapa-alala ni Miguel.
“About that… I can’t be there sorry.”
Napatingin si Miguel sa kambal nito at pagkatapos ay kay Maricar sa screen ng cellphone.
“Paano natin magagawa yun group photo natin na ilalagay sa time capsule?” tanong nito sa dalawang babae.
“Puwede ba photo edit na lang ako? Or ngayon, screenshot na natin itong videocall natin? Wait, smile kayo ha? Group selfie!” Naghahanda nang pindutin ni Maricar ang phone para sa screenshot.
“What?” Namimilog ang mata ni Miguel. Tawang tawa naman si Lyka sa tabi nito. Habang si Maricar ay all-smiles sa nakuhang screenshot.
“No! Hindi puede yun screenshot lang. Kung hindi ka makakapunta, pupunta kami dyan dressed up and we’ll take our photo.”
“But Miguel, you have to pick up Cassie.” Pa-alala ni Lyra dito.
Sa pagsambit ng pangalan ni Cassie, nawala ang matamis na ngiti ni Maricar nito lang makapag-group selfie.
Tila naalala ni Miguel na si Cassie ang kanyang prom date at bagong girlfriend. “Well… we’ll go to Care then susunduin ko si Cassie.”
“But Miguel, Taylor is going to pick me up here, remember?” Sagot naman ni Lyra. Ang kaklase nilang si Taylor ang prom date ng kapatid.
Natahimik si Miguel.
“We’re good. Print ko na lang itong groufie natin. I have to go.” basag ni Maricar sa katahimikan.
Two weeks ago ay nabalita sa buong school na sina Miguel at Cassie are in a relationship. Miguel is the campus heartthrob. One of the heirs to the vast wealth of the Vera family, handsome, swimming varsity, and honor student. Sino pa ba ang hindi mai-inlove kay Miguel.
Kasabay nito ang maingay ring ipinamalita ni Cassie na sya ang prom date ni Miguel.
Ang hindi alam ng kambal na corner ng grupo ni Cassie si Maricar sa ladies restroom that same week na mabalitang ito na ang girlfriend ni Miguel.
“Hey, nerd.” Nagsalita ang isang pamilyar na boses kay Maricar na nag-angat ng tingin. The other girl’s reflection was looking back at her. Nasa likod niya ito.
“Me?” tanong ni Maricar.
Napatawa na tila naasar ang kausap, “Who else? We’re the only ones here.”
“Why…” nagtataka na sagot ni Maricar dito dahil hindi naman sila close. Ang alam niya, madalas itong kasama ni Cassie.
“You must know that Cassie and Migs are now together. So back off.” Mataray na sabi nito. Kilala si Miguel sa mga ito bilang Migs.
“I don’t understand what you’re saying.” Nakatingin pa rin si Maricar sa repleksyon nila ng kausap sa salamin.
“Don’t fool us, you always wear those starry eyes when you’re with Migs.” pang-aasar pa nito.
Nang sa sasagot muli si Maricar ay biglang may pumasok na mga babae. Si Cassie at ilan pa nitong mga kaibigan. Si Cassie ay mula sa prominente ring pamilya sa bansa. Ang mga kaibigan nito at ganun din at ang iba rito ay mga anak ng diplomat at foreigners na naka base sa Pilipinas kung kaya dito nag-aaral.
“Girl friend, we’ve been looking all over for you.” Bati ni Cassie sa babaeng nasa likod ni Maricar. Lumingon ito kay Maricar at ngumiti ng matamis, “Oh hi Maricar.”
Lumapit si Cassie. Kinuha ang dalawang kamay ni Maricar, “You know, Migs and Lyra were always talking about you. Quite surprising because we don’t see you that much with them here in campus. Anyway… I’m looking forward to get to know you.” Cassie smiled sweetly. Maganda ito at hindi nakapagtataka na magkagusto rito si Miguel. Sikat din ito sa campus bilang student leader ng mga iba’t ibang organizations.
Hindi na nakaiwas pa si Maricar nang bigla syang yakapin ni Cassie. Unknown to her was the hidden smirk in Cassie’s eyes while looking at the other friend who was just threatening Maricar about Miguel. Nang ilayo ni Cassie ang katawan, isang matamis na ngiti ang ipinakita nito kay Maricar. Nagpaalam na ito na may meeting para sa prom preparations kay kailangan nang umalis.
Nagpahuli ang kaibigan nito. Nang makalabas na ang iba, “Stay away from Migs. If not, let’s see how Cassie will break your best friend’s heart. All because of you.”
Ang muling sunod-sunod na katok sa pinto ng kuwarto ang nagpanumbalik sa diwa ni Maricar. Ang kaniyang Yaya Medy. Kinuntsaba niya ito na sabihin sa kambal na may sakit siya kaya di makakapunta sa prom. Ganun pa man, umaasa ito na makakapunta ang alaga dahil hindi naman siya totoong may-sakit.
Si Maricar ang panganay na anak ng mag-asawang Iggy at Miracle Cruz na kilala bilang pinakamayamang mga negosyante ng maraming taon. Ang kanyang ina ang naging tagapagmana ng MK Foods Inc na isang international corporation ng fast food chains. Nagsimula ito sa kaniyang mga lolo at lola bilang pinakamalaking fast food chain sa bansa. Sa tulong nang kaniyang ama na si Iggy, napalago ang negosyo hanggang sa makapag expand na ito sa ibang bansa. Nakapag-acquire na rin ang mga ito ng international franchises na dinala naman sa Pilipinas. Ang kaniyang mga kapatid na lalaki, sina Tres at Gray ay pawang mga estudyante rin sa kanilang school.
Lumaki sina Maricar na may bodyguards. Ang kanyang ina ay na-kidnap nung ito ay bata. Dahil kaya naman ng kanilang pumumuhay, lahat silang magkakapatid ay may kani-kaniyang bodyguards.
Having parents who are warm and bubbly, Maricar cannot help but ask herself why she is the way she is. Silent, loner, introvert. Her parents, who they call tatay and nanay are the best.
Samantalang ang kambal na Vera ay aktibo sa mga sports at other campus activities. Magkakaiba man sila ng personalidad, lumaki ang mga ito na close dahil na rin matatalik na magkakaibigan ang kanilang mga magulang. Lumaki sila na bunsong kapatid ang turing sa kaniya.
Nung una ay excited si Maricar na pumunta sa prom night. Mga bata pa lang ay nakaplano na ang kanilang time capsule group photo on their prom night. Ilalagay nila ito sa isang time capsule container at ibinabaon sa kung saan saan parte ng kanilang mga bakuran. Sa bawat milestone ng kanilang kabataan ay marami rami na ring time capsules ang kanilang naipon.
Maging si Lyra ay nagulat na mapabalitang girlfriend ni Miguel si Cassie dahil wala naman itong nababanggit sa kanila. Bagaman madalas na ring hindi nakakasama sa kanila si Miguel dahil kasama nito ang swimming teammates. Maging ang grupo ni Cassie ay madals na ring kasama ng mga ito.
Si Lyra naman ay naobliga na maging date ni Taylor na kaklase nila dahil sa isang pustahan na natalo ang kaibigan.
Hindi umasa si Maricar na may mag-invite sa kaniya bilang date sa prom. Okay lang naman na pumunta sya dahil andun naman si Lyra maski pa hindi nila makasama si Miguel.
Laking gulat nito nang makatanggap ng prom-posal sa locker. Sulat na iniimbitahan sya sa prom. Si Brent, isa itong foreign classmate, na hindi naman madalas na makausap ni Maricar.
Naisip ni Maricar na wala naman masama na pumunta sya na kasama ito, pumayag sya na offer nito na maging date.
Ang sabi pa sa sulat, mag send siya ng message sa isang cellphone number kung papayag ito at address kung saan siya maaring sunduin. Nag text siya sa number na nakalagay. Nag-reply pa ito ng “Looking forward to be with you.”
Sa araw bago ang prom, nakasalubong ni Maricar si Brent nang minsan at nginitian ito. Ngumiti naman ang binata sa kaniya. Nang sa di pa nakakalayo ang binata, tumalikod si Maricar para sana kausapin ito.
“Brent, wait up…”
Napahinto naman ang binata at tumingin kay Maricar. “Yeah?”
“Uhm, what time are you picking me up for the prom?” tanong nito.
Nagbago ang expression ni Brent. Binuka ang bibig at sinara nang muli na hindi alam ang sasabihin.
Si Maricar na ang bumasag ng awkwardness. Nagsisimula nang mamula ang kaniyang mukha dahil hindi naman sanay na makipag usap madalas sa iba. “I’m okay to just go the venue on my own. Don’t worry.”
Nakabawi na si Brent. “I’m flattered you’re asking me out, but I already have a date.”
Nagulat si Maricar sa sagot nito. Mabuti na lang at mahina ang boses nila at nasa parte sila na walang masyadong mga tao. Kundi ay lalo nang parang lalamunin ng lupa ang pakiramdam ni Maricar.
Nagsimula nang humakbang patalikod si Maricar na nauutal pang sumagot. “Sorry, I’m mistaken. Forget what I said. Sorry.”
Bumilis na ang patalikod na paghakbang ni Maricar na hindi napansin na pagharap ay nabangga pa nito ang isang bodyguard, si Luis. Hinawakan ito ni Luis upang di matumba. Mabilis itong naglakad patungong library. Kasunod sa matamang distanya ang dalawang bodyguards nito si Luis at ang isa pang si Mario.
Sa di kalayuan ay nakita ni Miguel ang paglakad-takbo ni Maricar. Kasunod nito sina Luis at Mario na madilim ang mga mukha na palingon-lingon.
Sinundan niya ng tingin ang direksyon ng mga ito. Mabilis na tumayo, hindi na sya nakapag-paalam sa katabing si Cassie. Tinatawag siya nito ngunit di na siy lumingon. Kailangan niy abutan si Maricar.
LIBRARY
LIBRARY
Sa isang malayong sulok ng library, nakaupo sa sahig si Maricar. Nakayuko ito. Naramdaman niya na may humagod sa kaniyang ulo. Sa pagkabigla ay napatingin siya kung sino ito.
In her blurred vision beyond the tears, she saw an all too familiar face. Lalo pang nagdaluyan ang di na mapigilan pang luha.
Napayakap s'ya rito. Trying hard to contain herself. Her shoulders shook as she cried herself out in silence. “Joaquin..” She muttered softly.
“Care… Shhh. Are you okay?” Miguel’s soft voice tried to pacify Maricar.
Ito lang ang tumatawag ng Joaquin sa kanya. Miguel Joaquin Vera ng tunay nyang pangalan. At dahil ang ama at mga kapatid nito ay pawang mga Miguel, ayaw siya nitong tawaging Miguel. Kung tutuusin, isinunod siya sa pangalan ng Tito Iggy nya.
Nagsimula ang tawag niya rito na “Care” ay dahil sa kabaitan nito. Tinawag nya itong Maricare. Paborito rin nito ang Care Bears at gusto pang maging isa sa mga characters ng cartoon show na iyon.
Pero sa karamihan siya ay si Migs.
Hindi naman sumasagot si Maricar at patuloy lang sa pagluha. Nang mahimasmasan, she straightened herself at nakitang nabasa ang polo ng kaibigan.
“Sorry, I ruined your shirt.” Pasigok-sigok pang sinabi nito.
Miguel blew out an exasperated sigh. Umiiyak na ito nakuha pang mag-sorry. “Don’t mind the shirt. What’s wrong?”
“Huh?” hindi alam ni Maricar ang sasabihin.
Doon umilaw ang screen ng cellphone ni Maricar na nasa sahig.
Sabay napatingin ang dalawa at mabasa ang message preview ng pumasok na text.
“You’re smart to know, it’s over, right?”
And the sender’s name is just a capital letter B.
“Is that why?” Miguel asked in anger in his tone.
“No, no.” napahawak pa si Maricar sa braso ni Miguel.
“Don’t lie to me. Sino ito? What’s the meaning of this?”
“Hindi, uhm… I cried kasi… I can’t tell you. Basta.”
Hindi makapaniwala si Miguel.. To him, wala silang maitatawag na sikreto. Kahit pa sila ni Lyra ang kambal, parang si Maricar ang ka triplet nila.
“Maricar, tell me now or I’ll go search this SOB. Sigurado akong alam nina Luis at Mario anong nangyari sa’yo.” Mas madiin na sabi nito.
Sa tatayo na si Miguel, hinigpitan nito ang pagkakahawak sa brasok ng binata upang paupuin uli.
Inilapit ng bahagya ni Maricar ang mukha sa mukha ni Miguel para ibulong ang sasabihin.
Forehead to forehead, eye to eye. Pumikit ito and whispered, “It’s not worth it. Let’s forget this and never talk about it. Please?”
Nakatitig si Miguel dito. With her eyes closed, he could smell her floral cologne. The tip of her nose almost touched his. His heart gripped with anger because of the pain he sense in her. Then she whispered to him. He closed his eyes to contain his escalating fury at whoever hurt her. And the tingling sensation in his lips at their closeness. Kung hindi pa lumayo si Maricar pagkatapos nitong magsalita, baka hindi niya napigilan ang sarili na ilapit ang mga labi sa labi nito.
With closed fist, he remained to sit there looking down. Confused at the sudden burst of emotion and physical awareness towards her best friend. Biglang dinampot ng kaibigan ang cellphone, isinukbit ang bag nito at umalis. He remained seated on the floor.
Nitong mga nakaraang araw ay nakiramdam si Miguel kung may nalalaman si Lyra sa nangyari. Pero wala itong nababanggit. Maging ito ay nagtataka na tila lalong naging aloof sa mga tao ang matalik nilang kaibigan.
At sa ilan sandali na lang ang gabi ng kanilang prom, Maricar has been acting weird. If she’s indeed sick or heartbroken, he needs to find out.
CRUZ RESIDENCE
Malalim na ang gabi, pero sa kusina ng mga Cruz, ang mababangong amoy ng desserts ang pumupuno ng buong paligid. Maricar loves baking.
Nakaramdam ng paggalaw si Maricar sa direksyon mula sa living room. While waiting kung sino ito, may dumating na message sa cellphone kung kaya napatingin sya lamesa at dinampot ito. Nag-message si Lyra sa kaniya, asking kung gising pa siya.
Magre-reply na sana siya ang mapatingin muli sa dumating. Si Miguel. Nakasandal sa isang poste sa kitchen. Just smiling there and looking at her.
“Hey, how’s the prom?” bati nya sa binata.
“As everyone expected it to be…” bungad nito and he started to walk to where she was.
“Ano ba yun expectation?” Half smiling, nag-simulang mag suot si Maricar ng kitchen mittens para kunin ang nakasalang sa oven.
“Glamor, music, drinks, party, sneaking out, making out…” pag-iisa-isa nito sabay upo sa stool sa kabila ng kitchen island.
Binuksan ni Maricar ang oven at kinuha ang isang egg pie na kakaluto lang at ibinaba sa isang cooling rack.
“Aha, my favorite.” Si Miguel.
“Oi Joaquin, mainit pa yan. Eto yun ibang ginawa ko kanina muna ang try mo. Kaya lang baka busog ka pa sa party.” Itinuturo nito ang iban pastries sa counter.
“Lahat naman ‘yan masarap, sigurado na ako. Pero antayin ko itong nasa harap ko ‘pag ready na, kasi favorite ko yan.” Dumampot pa ito ng isang tinidor.
“Sige na nga, mga ten minutes, puede na yan. Anong gusto mong drinks? Alam mo naman ano meron dito sa bahay.”
Tumingin pa sa itaas na kunyari ay nag-iisip. “Hmmm… ano pa nga ba?”
“Sige na nga kunin ko na lang.” Napapatawa na kumuha sa kalapit na ref ng dalawang rootbeer in can ang dalaga.
“The best ka talaga. Thanks.” Inabot ang isang lata.
“Bakit ang aga mo naman umalis sa party? It seems yun girlfriend mo hindi maagang uuwi.” Casual na tanong ni Maricar.
“Well, wala e kulang, wala ka naman dun, si Lyra busy as organizer. I never imagined it will be like this. Ang garbo ng plano natin nung mga bata pa tayo on the night of the prom party diba?” Natatawang dugtong nito.
“E ganun naman talaga, minsan iba yun totoong buhay. Pero hindi ibig sabihin di siya maganda.”
“Sabagay kasi tulad ngayon, I’m anticipating the melt in your mouth custard of this pie. The best part of the night. At isa pa, bakit yun rootbeer ninyo parang mas masarap sa rootbeer sa bahay namin? Same naman ng brand?” pagbibiro pa nito.
Natawa si Maricar. “Ano ka ba, haha, same lang yan.”
Mataman na nakatingin dito ang binata. “I’m glad you’re laughing again. I was worried about you. Okay ka ba talaga?”
“Okay ako. Diba may excuse na ako na di mag party. You know how I feel about crowded events.”
“Tindi ng bodyguards mo, di ko mapaamin sino nagpaiyak sa’yo.”
Maricar tilted her head looking at Miguel.
“Of course, I want to find out sino yun B na yun.”
“Just forget about it.”
“Di ko kasi maisip, may boyfriend ka ba na di namin alam?”
“Uy hindi a, hindi.. Sino naman magkakagusto sa akin. Weird, nerd ang tawag nila.” May patawa pang self-deprecating remark nito.
“Maricar Kaye Cruz, ‘wag mong nilalait ang bestfriend ko, magkakagalit tayo.”
“Naku galit na si Mr Miguel Joaquin Vera, tinawag ako ng buong pangalan.”
Sumeryoso ang mukha nito, “Care, tell me. Who hurt you? Why are you protecting that person from me? Don’t you care about how I feel?”
“Grabe naman ang serious. Don’t lose sleep over it. I told you, let’s not talk about it. Ever.”
Nagsimula nang tumusok ng tinidor si Miguel sa egg pie para simulan na itong kainin. “Okay, so you care more about that person. Dibale na ako mapuyat, mag-isip, magalit. Doesn't trust me enough to tell me.”
“Tama na please?”
“In love ka ba dun kay B? For you to hurt so much? Ngayon lang kita nakita umiyak nang ganun mula may diapers pa tayo.”
She responded with nothing. Just looking back at him.
“In love ka nga, boyfriend mo yun I’m sure. Pero sige kakain na lang ako nitong eggpie at baka bigla mo pa bawiin.”
“You don’t need to be in a relationship to be in love, Joaquin.” Maricar responded this time.
Chewing slowly, looking at Maricar, napainom na lang ng rootbeer si Miguel.
Miguel opened his eyes to a bright light from his cellphone. May pumasok na notification which he ignored. On his side is Maricar sleeping in the same pink pyjamas she was baking with last night. Pagpasok pa lang sa bahay ng mga Cruz, alam na niya na ito ang nasa kusina base sa amoy ng pagkain. She has always loved baking anything from pastries to cakes. Even now her hair, close to his nostrils, smells vanilla.
Lumaki silang magkakasama na para nang magkakapatid. Dahil sa isang subdivision lang naman sila nakatira, lumaki sila sa dalawang bahay ng kani-kanilang mga pamilya. Hindi na bago na inaabot silang magkapatid ng magdamag sa bahay ng mga Cruz. At ganun din ang magkakapatid na Cruz sa kanila. May mga ilang damit na pambahay na nga ang mga ito sa magkabilang bahay.
Just last night, when they decided to watch a movie dahil ayaw pa niya umuwi, he changed to his own clothes na nasa guest room ng mga ito just for her and Lyra. Then they headed to the theater room to watch. Doon na sila nakatulog sa lazyboy seats.
Nag-echo sa isip ni Miguel ang sinabi nito kagabi, “You don’t need to be in a relationship to be in love, Joaquin.”
Thinking that her best friend is heartbroken, he felt a pang of jealousy towards an unnamed person. He cannot imagine, one of the persons he cares the most in the world is hurting and he can’t do anything about it.
“Who could be that lucky SOB?” He asked himself.
His relationship with Cassie is a social experiment for their term project. They have a script to follow reviewed by their term paper adviser. Kung ano ang impressions na ipapakita sa mga tao, kalian ang timing, and the reactions they wanted people to have and compare it with how people actually reacted.
Tanging ang mga magulang lang nya ang nakakaalam kung ano ang totoo. When he tells it to Lyra and Maricar, it will depict the purpose of the social experiment. It will go for just three months, just in time before the final grading and graduation.
As of this time, busy na silang tatlo sa pagtatapos ng senior highschool. They’re all planning to attend college in the US. Sa Los Angeles, California lumaki ang kani-kanilang mga ama at may mga pamilya sila doon at bahay na matitirahan. Ang pagtira sa ibang bansa ay makakatulong din sa kanila na maging independent at mamuhay ng kakaiba sa nakalakihang estado sa Pilipinas.
At dahil sila ay mga honor students, lalo pa si Maricar na top sa batch nila, hindi sila masyadong pressured sa academics para sa natitirang ilang buwan. Kung tutuusin, mas bata ito sa kanila, pero sa kakasama sa kanila, napasabay na rin ito pumasok sa pre-school sa kanila dahil umiyak na ito ng umiyak nang nagsimula na silang umalis araw-araw para mag-aral at ito ang naiiwan sa bahay.
It pains him to see Maricar in tears. Napakabuti nitong tao at ni hindi marunong manakit maski ng insekto. Knowing she has been hurt by someone, hindi maalis sa isip nya ito kaya ilan gabi na rin syang hindi makatulog.
He wouldn’t let anyone hurt her like that anymore. Kaya dapat malaman niya sino ang taong iyon.
Sumilip si Yaya Medy sa pinto at sinenyasan niya na wag maingay. He wants Maricar to sleep in. Bakas dito ang inihulog ng katawan. Nabawasan ang kinang ng mga mata nito maski pa sabihin na nakikipag-biruan ito sa kaniya. She has always been reserved and aloof. Ang pagiging mahiyain at introvert nito gave people the impression na hindi ito approachable. While in truth, Maricar is the kindest person he knows. Sa kanila lang ito nagpapakita ng pagiging kwela nito at warm. She’s been sheltered being the only daughter bago nasundan ng mga mas nakababatang kapatid nitong lalaki.
Wala naman silang pasok ngayon kaya ipinikit na muli ni Miguel ang mga mata at muling natulog.