HARRIS’ POV "Ano ba kasi’ng pumasok sa isip mo at lumabas ka pa?!" sermon sa ‘kin Jessie. Inabutan ko siya sa bahay kanina at wala akong nagawa kun’di ang magsabi ng totoo nang makita niya ang mga sugat sa mukha ko, na kasalukuyang ginagamot ngayon ng nurse na tinawagan niya para papuntahin dito. "Aww!" ingit ko nang maramdamn ang hapdi sa pagdampi ng bulak na may puting cream sa sugat ko matapos niya ‘yon linisin ng betadine. "Pa’no ka haharap n’yan sa camera kung gan’yan ang mukha mo? Issue na naman ‘to ‘pag nagkataon! Hindi ka nag-iisip, Harris!" inis niyang sabi habang nakapamaywang sa harap ko. "Hindi naman siguro ako nakilala, naka-facemask naman ako," palusot ko. Ang hindi ko lamang kasi sinabi sa kaniya ay kung sino ang nakaaway ko. Hindi ko sinabing kakilala ko ito at si Trist

