HARRIS' POV Late akong nagising dahil nakalimutan kong mag-alarm. Nawala sa isip ko na may outfit fitting ako ngayon. Siguradong naghihintay na sa 'kin si Jessie dahil kanina pa siya tawag nang tawag. "Bumili muna tayo ng pagkain," bilin ko sa driver ko na si Uno, ilang sandali bago siya nagsimulang mag-drive. I haven't been able to eat at home so now I can feel my stomach growling. Ilang sandali pa ay huminto na kami sa isang restaurant. "Ako na lang ang bibili, sir. Hindi po kayo p'wedeng lumabas." Tumango na lamang ako kay Uno dahil tama naman siya. I really couldn't go out because I might be recognized so I was left in the van waiting. But not long after the driver left, my attention was suddenly caught by a woman walking towards my direction. And my eyebrows met when I recogniz

