Pitchie's POV Walang tao sa bahay nila Chad noong dumating kami. Wala ang daddy niya, even his mom. Mga maids lang nila ang naroon. Nasa living room kami, tahimik akong nakaupo, nilalaro ko ang mga daliri ko habang si Chad ay sinusubukan na niyang kontakin si daddy. "Hindi s'ya sumasagot. Text ko na lang s'ya." Nagsimula na siyang mag-type ng message. Ibinigay ko kasi sa kaniya ang number ni daddy dahil siya ang kokontak dito para puntahan ako. "Nag-send na. Hintayin na lang natin." Ibinulsa na ulit niya ang cell phone at saka naupo sa katapat kong couch. "Ano'ng gagawin mo 'pag pumunta dito daddy mo?" Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. "To be honest..." umiling ako, "hindi ko alam. Si mommy kasi ang iniisip ko. She loves my dad, so much. At alam kong hindi magiging madali sa kan'ya k

