SANDRYNNE's POV "Okay, fine. Let's say Harris chooses you and gives up on everything. Do you think you two will be happy? What about Harris? The public will turn their back on him at once. He'll have to deal with that...and can you deal with him when he's in that spot?" sagot sa 'kin ni Jessie matapos ko siyang iyakan sa cell phone at sabihing hindi ko kaya'ng hiwalayan si Harris. Sila ang nagma-manage rito kaya naisip kong i-open sa kaniya ang problemang sinimulan ni Sung Jae. 'Yung tungkol sa video na balak nilang ilabas. Naisip ko kasi na baka matulungan nila ako dahil mas sanay silang mag-handle ng mga issues. Pero ang ipinagtaka ko. Hindi na siya masyadong nagulat pa nang banggitin ko ang tungkol do'n. Ang mas concern niya ay ang pakikipaghiwalay ko raw kay Harris para matapos na a

