JAI'S POV Nang tumakbo palabas ng bahay si Harris ay nagsimula na akong mapaisip. Pamilyar sa akin ang mukha ng babaeng naabutan ko sa gate kanina. Minsan ko na siyang nakita sa internet at sinasabi doon na siya ang CEO ng FSDA. Pero bukod sa internet, parang nakita ko na rin siya dati. Hindi ko lang maalala kung saan. "Bakit hindi mo agad sinabi na si Sandrynne 'yung nag-doorbell kanina? Bakit hinayaan mo s'yang umalis?" Nag-angat ako ng tingin kay Honey dahil parang sinisita ako nito. "Sandrynne?" I raised an eyebrow. "Ex ni kuya." Si Pitchie ang sumagot kaya nilipat ko ang aking tingin sa kaniya. "Ex? You mean, s'ya 'yung ex ni Harris? Ano'ng pangalan ulit?" I asked again, trying to absorb the information I just heard. "Farrah Sandrynne Delos Angeles," Honey responded, dahilan par

