EYIN POV Biglang nanlamig ang mga kamay ko. Hindi ko rin magawang kumilos sa aking kinatatayuan. Sino'ng Rose ang kausap ni Tito Harry? At ano ang sinabi n'yang tungkol sa pera na dadalhin bukas? Para maibsan ang pag-aalala ko ay kinuha ko ang cell phone ko sa bulsa ng suot kong pantalon. Kahit bahagyang nanginginig ang aking mga kamay ay sinikap ko pa rin tawagan si mama. Ayokong mag-assumed pero natatakot ako. Tinutok ko na ang aking cell phone sa kanang tainga ko nang mapindot ko na ang call. Hinintay ko siyang sumagot ngunit...number busy. Sinilip kong muli si Tito Harry at nakita kong nakatutok pa rin sa tainga niya ang cell phone niya. Nanlambot ang mga tuhod ko dahil sa takot, kaba at pag-aalala sa mga bagay na tumatakbo sa aking isip. Tulad ng...hindi kaya si mama ang kausap

