EYIN POV Hindi ko alam kung ano'ng gagawin ko. Tila nablangko ang utak ko sa sinabi sa akin ni mama. Hindi ko tuloy alam kung sasama pa ba ako kina Tita Leena pauwi sa kanila o tatakbo na lang palayo para tumakas nakakatakot na katotohanan. Natatakot akong malaman ni Tito Harry ang totoo, na ako ang anak niya. Pero mas higit akong natatakot kapag nalaman 'yon ni Tita Leena at Pitchie. Sila kasi ang sobrang naging malapit sa akin. Lalo na si Tita Leena. Tinanggap nila ako na parang hindi iba sa kanila kahit na kung tutuusin ay hindi naman talaga nila ako kilala. At ayokong masaktan sila. Ano'ng gagawin ko? *** Dahil sa sobrang pag-iisip ay hindi ko nagawang bumalik pa sa loob ng restaurant. Nag-commute ako kahit malayo, pauwi sa bahay nila. Pagdating ko ay agad akong dumiretso sa kw

