PITCHIE POV Tahimik ako sa loob ng sasakyan habang seryoso naman sa pagda-drive si Sung Jae. Magkatabi lamang kami. Nasa passenger seat ako. Hindi ako nagsasalita pero madalas akong sumulyap sa kaniya dahil pinag-aaralan kong mabuti ang kaniyang mukha. Baka sakaling maalala ko siya kahit na bata pa ako noong nagkita kami, gaya ng sinabi ni Kuya Harris. Pero teka? Paano niya nalaman kung nasaan ako? "저기요 아저씨..." mahina kong sabi nang sumulyap ulit ako sa kaniya. "내 위치를 어떻게...알았어요?" nahihiya kong tanong. [Excuse me, mister...how did you know...my location?] Hindi siya lumingon sa akin at mukhang wala rin siyang balak na sagutin ako. Snob ang person. Binalik ko na lamang muli ang tingin ko sa labas ng bintana dahil feeling ko ay napahiya ako sa pagtatanong sa kaniya. "GPSeu 몰라?" [Don't

