SANDRYNNE POV Habang mahimbing ang tulog ni Harris, sinamantala ko namang kumawala sa pagkakayakap niya sa akin. Unti-unti ko ring hinila ang kumot para itakip sa katawan kong hubad. Dumukwang ako sa side table para abutin doon ng cell phone niya. Pasimple at maingat ko 'yon nabuksan thru face ID dahil nakaharap naman siya sa akin. At nabuksan ko 'yon without waking him up kaya agad kong tsinek ang message na galing sa nangba-blackmail sa akin na mula kanina ay hindi niya pa rin nakikita. Nasobrahan kasi siya sa pagod dahil simula sa shower room ay nagsimula na kami at hanggang sa matapos kaming maligo ay nakailang rounds pa siya. Nakita ko agad ang message dahil nasa bungad lang 'yon. ["Hi, Sandrynne! Alam kong ikaw ang nagbabasa nito. Tandaan mo ang sinabi ko sa'yo. Isang linggo lang

