SANDRYNNE's POV "Hello, Herson! Si Charlie 'to. May hihingin sana ‘kong pabor sa’yo." Kausap ni daddy sa cell phone ang kaibigan niya. Sinabi ko kasi sa kanila ni mommy ang tungkol sa pangba-blackmail sa akin ni Christine Martezana. Pero hindi ko binanggit ang tungkol sa amin ni Harris—na okay na kami. I also told them na si Ria ang pinagdududahan ko na may gawa kaya ang sabi ni daddy ay tutulungan niya ako. "A woman named Ria Flores is currently working at my daughter's company. Run a background check on her. Find out everything you can." Nang ibaba ni daddy ang phone niya ay agad niya kaming hinarap ni mommy. "Martezana? Hindi kaya kamag-anak siya ni Jane?" kunot-noong tanong ni mommy, mukhang malalim ang kaniyang iniisip. "Malalaman natin kapag kinontak na ‘ko ni Herson. Sa ngayon ma

