SANDRYNNE'S POV "Makipaghiwalay ka na kay Harris." Natahimik ako sa sinabi ni Jessie. Hindi ko in-expect na gano'n ang pabor na hihingin niya sa akin. Oo. Alam kong bawal magkaroon ng girlfriend si Harris dahil nasa kontrata niya 'yon. Pero as far as I can remember, sinabi niya kay Harris na itatago niya ang relasyon namin kay Mr. Valleza. "Bakit?" taka kong tanong matapos ang ilang sandali kong pag-iisip. "I can no longer tolerate your relationship, lalo na..." He paused for a moment at saka siya bumaling sa akin. "Hindi ba sinabi sa'yo ni Harris?" "Ang alin?" I furrowed my eyebrows in confusion, and suddenly felt nervous. He let out a deep sigh before answering. "Basta makipaghiwalay ka na muna. Hintayin mo na lang matapos ang kontrata n'ya. Kapag hindi na s'ya under ng agency, sa

