SANDRYNNE'S POV Nasa labas ako ng building at nakatanaw sa kabuuan nito. Nagdadalawang-isip ako na pumasok sa loob. Ngayong alam ko nang si Ria ay si Christine, hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin. Dapat ba konprontahin ko siya? I sighed. Bahala na. Humakbang na ako papasok sa loob at dumiretso sa office ko para simulan ang trabaho. Ngunit habang nakaharap ako sa laptop ay tumunog ang cell phone ko. Incoming call Star... "Hello?" bungad ko sa kaniya nang sagutin ko 'yon. "Hindi ako p'wede mamayang 6. 7 pm na lang tayo magkita. Is that okay?" "Mmm. It's okay. Kung saan ka maluwag." "Let's change the place. I'll send you the address." "Mmm." Muli akong tumango kahit alam kong hindi niya naman ako nakikita. "I'm sorry, I can't pick you up. Tatakas lang ako sa schedule ko."

